PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelica Panganiban at Gregg Homan, five months nang engaged

Angelica Panganiban: "May baliw na nag-propose sa akin."
by Bernie V. Franco
Published Oct 8, 2022
angelica panganiban greg homan engaged
In her latest YouTube vlog uploaded this Saturday, October 8, 2022, Angelica Panganiban reveals boyfriend Gregg Homan's surprise proposal. Since the video was shot when she was four months pregnant, it can be surmised that she has been engaged for about five months now.
PHOTO/S: YouTube (The Homans)

Lumalabas na limang buwan nang engaged ang aktres na si Angelica Panganiban sa kanyang non-showbiz partner na si Gregg Homan.

Isinapubliko ni Angelica Panganiban ang announcement sa pamamagitan ng YouTube vlog ngayong Sabado, October 8, 2022.

Sa naturang vlog, kinunan ni Gregg ng video ang sarili ilang saglit bago mag-propose kay Angelica.

Sa video, ang kausap ni Gregg ay ang kanilang baby na noong mga panahong iyon ay nasa sinapupunan pa ni Angelica.

Ayon kay Gregg, four months pregnant noon si Angelica noong ginawa niya yung video.

Dahil nanganak si Angelica ng baby girl noong September 20, 2022, ibig sabihin, limang buwan na ang nakalipas mula noong 'secret engagement' nila ni Greg.

Mapapanood sa video kung paano ginawa ni Gregg ang proposal.

Isinet-up ni Gregg ang camera na naka-video mode, habang kita sa frame si Angelica sa tabing-dagat, at nag-aayos dahil akala niya ay picture-taking ang magaganap.

Kasunod nito, pumasok sa frame si Gregg at nilapitan si Angelica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Gregg: “Maraming paraan sa buhay para sumaya sa buhay na ito, pero ikaw lang yung kailangan ko.”

Nag-“yes” si Angelica at sa mga sumunod na sandali ay mapapanood na naging emosyonal si Angelica.

Angelica Panganiban engagement ring Greg Homan

Sa isang bahagi ng video, may pahayag pa si Angelica sa surprise proposal sa kanya ng karelasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Look, I said yes, we're engaged," sabi ng masayang si Angelica.

"May baliw na nag-propose sa akin. Ewan ko, dead na dead sa akin...

"Kahit na anong kabaliwan ko, pangit ng ugali ko, mahal na mahal ako."

Ipinakita rin sa video na ipinaalam ni Angelica ang engagement nila ni Gregg sa malalapit nilang kaibigan at kapamilya, gaya ng director na si Andoy Ranay at aktres na si Glaiza de Castro.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In her latest YouTube vlog uploaded this Saturday, October 8, 2022, Angelica Panganiban reveals boyfriend Gregg Homan's surprise proposal. Since the video was shot when she was four months pregnant, it can be surmised that she has been engaged for about five months now.
PHOTO/S: YouTube (The Homans)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results