Ibinahagi ni Sunshine Cruz ang screenshot ng kanyang mahinahong pagkumpronta sa isang netizen na nagkomento ng negatibong mga salita sa Facebook niya noong Miyerkules, October 12, 2022.
Read: Sunshine Cruz: road toward rosy life
Ang nasabing post ay artikulo ng GMA News Online tungkol sa kasalukuyang ginagawang panghapong serye ni Sunshine sa Kapuso network, ang Underage.
Sa comments section, nagkomento ang isang netizen.
Sabi ng netizen, “Hay nko ang arti nyan di nga namamansin,,,yan eh ang arti”
Sinagot ito ni Sunshine.
Nagpaliwanag ang aktres na sumusunod lamang siya sa protocol ng taping dahil kasalukuyan silang naka-bubble.
Ibig sabihin, hindi sila maaring makihalubilo sa mga tao sa labas ng bubble nila.
Saad ni Sunshine, “i will remember your face next time para mabati na kita Ate. Pasensya na po pero hindi ako maarte o hindi masama ang ugali ng isang artista pareho ng sinasabi mo dahil hindi nagawa ang gusto nyo. Intindihin nyo po sana na may protocols po kami sa taping.. Bawal makihalubilo gawa ng naka bubble po ang production.”

Hindi pa rin tumigil sa pagkukomento ang netizen.
Sabi nito, “Di manlang nagpapasalamat sa mga barangay nong lumabas galing looban hahaa”
Muling inulit ni Sunshine ang kanyang paliwanag.

Hindi na nakatiis pa si Sunshine kaya ini-screenshot niya ang mga komento ng netizen at ang kanyang paliwanag.
Ipinost niya ito sa Facebook ngayong Biyernes, October 14, at nakiusap siyang muli na huwag magkalat ng mga negatibong komento sa kanyang Facebook page.
Caption ng aktres, “On behalf of our production pasensya na... GMA is after the safety of everyone.
“Naka-bubble po ang taping. Meaning hindi po kami pwede makihalubilo sa iba gawa ng pandemia. Huwag na po mainit ang ulo. Hindi po yan maganda sa ating heart. Wag nyo i-flood ng negativity ang aking page. [heart emoji]”
Makikita pa rin hanggang ngayon ang mga komento ng netizen sa post ng aktres.
