Hindi napigilang maging emosyunal ni Anji Salvacion nang mapag-usapan ang kanyang mga pinagdaanan bago siya maging isang ganap na artista.
Katulad ng karamihan, hindi naging madali ang pag-abot ni Anji sa kanyang mga pangarap.
Si Anji ang hinirang na Pinoy Big Brother (PBB) Kumunity Big Winner nitong taon.
Read: Anji Salvacion hailed Big Winner of Pinoy Big Brother Kumunity Season 10
Sa virtual media presscon ng PIE Channel (Pinoy Interactive Entertainment) noong October 11, 2022, ibinahagi ni Anji ang mga pagbabago sa kanyang buhay matapos niyang manalo sa PBB.
Saad ng 20-year-old Kapamilya star, “By God’s loving grace, ang dami pong naibigay sa aking opportunity ng PBB. It really [opened] the door that I was dreaming of talaga.
“Kaya I am so grateful na I begin… I [am] starting to do that because if I haven’t, I wouldn’t have this event happen right now.”
Read: Anji Salvacion on saddest moment in PBB: "I should hurt my friend for him to grow."
Ikinuwento rin ni Anji ang ilang beses niyang pag a-audition at pagiging extra sa mga teleserye at commercials.
Pagbabalik-tanaw niya, “To be honest, before akong mapunta dito, yung mga ginagawa ko, likod ko lang yung nakikita.
“Naalala ko dati, bilad na bilad ako sa araw, tapos yung strap lang pala ng damit ko yung kita. After nung shoot na yun, grabe yung sunburn ko.
“And I remember before, sa TV scene din nag-audition ako as double body, as extra.
“This was the time na grabe yung iyak ko kasi it was so sad. But at the same time, I’m happy.
“Babad kasi ako noon sa tubig the entire day, hindi ako nag-swimming, para kasi yun sa sabon, body double ako.”
Read: Anji Salvacion reveals how Martin Nievera, PBB housemates motivated her not to give up singing
Sa lahat ng kanyang mga karanasan at napagdaanan, masaya raw si Anji na ang lahat ng ito ay napagtagumpayan niya.
Ito rin daw ang naging rason kung bakit siya mas naging matapang at matatag na harapin pa ang mga hamon sa kanyang buhay.
Aniya, “You know, what it made me appreciate, appreciate like more, and appreciate those people na who really work hard and audition so hard.
“Remembering back, it's really so hard. Wala pa noon yung pandemic. Kasi nga yung linyahan, yung pawis mo, yung pagod mo.
“Papunta ka pa lang, yung pawis mo patak na patak na. Yung mukha mo, putok na putok na yung make up. “
Hindi man naging maganda ang kanyang simula, proud at malaki pasasalamat ni Anji na nagsimula siya sa ibaba bago niya makamit kung ano man ang mayroon siya sa kasalukuyan.
Saad ni Anji, “You really start at the bottom talaga before you go up to the top.”
Isa si Anji sa mga host ng talent-variety block na PIEgalingan Ekstra Ordinaryo sa PIE Channel. Kasama niya rito sina It’s Showtime Bidaman first runner-up Eris Aragoza, Miss Grand International 2020 first runner-up Samantha Bernardo, at Pinoy Big Brother: Connect ex-housemate Ralph Malibunas.
