Sa kanyang post sa Instagram Stories noong October 14, 2022 ay sinagot ng negosyanteng si Tim Connor ang madalas aniyang itanong sa kanya ng mga babaeng hindi nakatira sa Pilipinas, o kaya ay may non-Filipino boyfriend, mister o partner.
Kapag nagkaroon na raw ba ng mga anak si Tim, palalakihin ba niya ang mga ito sa Pilipinas?
Ang bahagi ng kanyang sagot (published as is), “The short answer is ABSOLUTELY not!”

Aniya, batay sa mga nasaksihan niyang pinagdaanan ni Maggie Wilson, partikular sa gusot sa pagitan ng dating beauty queen at ng mister nitong si Victor Consunji, malaya ang mga kalalakihan “to treat women like absolute garbage with minimal rights, almost as though they are second-class citizens.”
Matatandaang naghiwalay na sina Maggie at Victor noong September 2021.
Inakusahan pa ni Victor na may relasyon sina Tim at Maggie, na kapwa itinanggi naman ng dalawa.

Ayon pa kay Tim, masuwerte si Maggie dahil mayroon itong "multi-citizenship and residencies," at may access sa magagaling na abogado.
Bukod dito, marami rin itong supporters. “Which I realise the vast majority of Filipino women do not!
“Observing what I have seen with baseless cases (5+), this general passive toxic macho syndrome and under-representation of women across leadership positions, change is needed to bring the Philippines into the 21st century.”
Hindi umano niya sinasabing magkaroon ng “woke women’s rights movements” na katulad ng naoobserbahan sa western countries. Para kay Tim, kahit na, “Just some basic fundamental rights" na kailangan talaga ng mga kababaihan sa Pilipinas.
Gayunpaman, umaasa siyang sa ilalim ng bagong administrasyon ay mabago na ang sitwasyon ng mga kababaihan sa Pilipinas.
“I get sick of hearing, ‘this is just how the Philippines operates!’ [Yes, it probably did in the 1940s, but it shouldn’t in 2022!]"
Ang IG Story ni Tim ay ni-reshare ni Maggie.
