Batang paslit pa lamang daw si Jeric Gonzales ay naglalaro na raw siya ng basketball.
“Since ano siguro, mga grade 3, grade 4, nagba-basketball na talaga ako. Mostly sa school ako naglalaro talaga, and then sa amin sa Calamba kung saan ako lumaki.
“Ano talaga naging basketball addict talaga ako. Kasi parang, tambay ako sa court dati. Dati ang itim ko, ang payat ko,” kuwento ni Jeric nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa GMA NCAA All-Star Basketball Game.
Ginanap ito nung Sabado, October 15, sa FilOil EcoOil Centre, San Juan City.
Patuloy ni Jeric, “'Tapos sa school naman, naging varsity ako from elementary to college.”
Kadalasan daw ay forward ang position ng Sparkle male star.
“More on shooting and then ang laro ko kasi more on defense, blocks, ganun.”
Na-miss daw ni Jeric na maglaro lalo pa at unang beses pa lamang niyang nakasali sa GMA NCAA All-Star Basketball Game.
“Kaya I’m very happy kasi it brings back memories. Kasi nga dati laru-laro lang ako sa school, sa Calamba.
"And then nung nag-artista na ako hindi ko na nagagawa yun. Siyempre busy na.
“Pero dito siyempre kasama ko yung mga NCAA [players] and then mga co-artists ko, 'tapos may mga legends pa from PBA kaya ang saya ko.”
Bukod kay Jeric ay naglaro rin ang Sparkle/Kapuso stars na sina Prince Clemente, Kirst Viray, at Jose Sarasola. Kasama nila sa kanilang team ang PBA (Philippine Basketball Association) legends na sina Marlou Aquino at Willie Miller. Muse nila si Shaira Diaz.
Nasa kalabang koponan naman nila sina Pancho Magno, Kokoy de Santos, Migs Villasis, at Raheel Bhyria. Kasama nila PBA legends din na sina Jerry Codiñera at Allan Caidic. Muse naman ng team na ito si Lianne Valentin.
Kabilang din sa parehong team ang ilang NCAA (National Collegiate Athletic Association) athletes.
Dumalo rin palaro ang GMA RTV & Synergy First VP and Head na si Oliver Amoroso.
LOSING HIS COOL IN A GAME
Sa paglalaro ni Jeric ng basketball, may pagkakataon ba na napikon siya o may nakainitan na kapwa player?
“Naku pag nasa game, medyo ano nga ako, e... competitive talaga! Medyo mainit ako pag naglalaro,” natatawang sabi ng Start-Up PH actor.
“Malayung-malayo sa personality ko outside the court.
“Kaya minsan kapagka ganun yung… may mga players na mainit yung ulo sa court, talagang hindi mo masasabi kasi sa labas mabait sila, pero pag sa court, alam mo yung talagang nakikipagbalyahan.
“Ako nakikipag-ano talaga ako,” tawa uli si Jeric.
Pero hanggang balyahan lang daw siya, hindi pa naman daw niya naranasan na makipagsuntukan sa kapwa player.
“Hindi pa naman umabot sa ganun. Kasi baka mabangas ang mukha ko,” at natawang muli si Jeric.
SEEING RABIYA AGAIN
Napadako naman ang usapan namin ni Jeric sa nag-trending na guesting niya sa TiktoClock kung saan isa sa hosts ay ang ex-girlfriend niyang si Rabiya Mateo.
Kasamang nag-guest ni Jeric ang Start-Up PH co-star niyang si Yasmien Kurdi upang mag-promote ng kanilang drama series.
Bago ang scheduled guesting nila ni Yasmien ay matagal na silang hindi nagkikita ni Rabiya simula nang naghiwalay sila.
Official announcement nina Jeric at Rabiya na magkasintahan sila nung March 2022, Pero ayon sa isang taong malapit sa aktor na nakausap ng PEP.ph, November 2021 pa lang ay magkarelasyon na ang dalawa.
Hindi naman naging opisyal, pero may mga pahiwatig na hiwalay na sila nung June ng taong ito.
Ano ang una niyang naging reaksyon noong sabihan sila ni Yasmien na magge-guest sila sa nabanggit na show? Paano siya napapayag?
“Napapayag po ako kasi kailangang gawin para sa Start-Up PH, kailangang mag-promote. Busy si Alden at si Bea, kami ni Yasmien yung available that day."
Kasama nina Jeric at Yasmien sa Start-Up PH sina Alden Richards at Bea Alonzo.
“Hindi ko inisip agad na nandun si Rabiya. Pero at the back of my mind, siyempre kinakabahan ako na kung paano kami magmi-meet, baka maging awkward.
“Pero nung nandun naman na, in fairness naman kay Rab game na game siya and ako din naman.
“So nung kinausap kami ng production kung ano’ng gagawin, so sabi namin kaya naman namin.”
Sa naturang episode ay tila pinagkatuwaan sila ng iba pang hosts ng show na sina Pokwang at Kim Atienza.
Umabot pa sa puntong pinag-holding hands ang dalawa na nauwi sa yakapan sa mga games o challenges na ipinagawa sa kanila. Kinilig tuloy ang mga tao sa studio at pihadong pati mga nanood sa telebisyon.
Pagdating daw ni Jeric sa studio ay magaan naman ang sitwasyon. Nagbeso o nag-kiss ba sila?
“Yes, beso. Magaan naman parang wala naman kaming… actually we’re good friends talaga.
“We’re good friends and never naman kaming nag-close ng doors sa isa’t isa.
“Of course priority namin yung work, yung career, pero hindi namin nakakalimutan siyempre yung, of course, naging kami.
"And siyempre, may possibility pa rin na in the future, puwede pa…”
Na magkakabalikan sila, may chance?
“May chance, may chance,” ang nakangiting sinabi ni Jeric.
jeric on WHY he and rabiya SEPARATED
Ano ba ang naging dahilan ng hiwalayan nila ni Rabiya?
Natawa muna si Jeric bago sumagot.
“Ang pinaghiwalayan namin, siguro misunderstanding lang. Siguro yung priorities naming pareho sa work, sa career, sa life.”
Pero walang third party?
“Wala naman. Kaya naghiwalay kami nang maayos and hindi kami bitter sa isa’t isa. Kaya pag nagkikita kami, hindi kami nag-iiwasan, hindi awkward.”
