Isang 20 anyos na dalaga na ngayon ay miyembro ng US Navy ang bumisita sa isang bahay ampunan sa Quezon City, kung saan siya lumaki.
Emosyonal si Catherine Liberty Blake, E1-AN ng US Navy, nang muling makatuntong sa Gentle Hands Orphanage sa Project 4, kamakailan.
Si Catherine ay inampon ng isang American couple sampung taon na ang nakalilipas.
Sakay si Catherine ng USS Ronald Reagan, ang nuclear-power supercarrier ng US Navy, na dumaong sa Manila Bay noong October 14, 2022, Biyernes.

Ang USS Ronald Carrier na dumaong sa Manila Bay noong October 14, 2022.
Pahayag ni Catherine sa ulat ng TV Patrol, October 16, “It’s like coming back to home, like this is my home.
“And it’s really special for me to come back to where I grew up from, and seeing very familiar faces, and people that are really close to me, who taught me love and gave me the experience as a family.”
Matapos ampunin ng isang American couple noon, dinala si Catherine sa Illinois, USA, kung saan siya nagtapos ng high school.
Naging recruit siya sa US Navy noong 2021.
Si Catherine ay tumutulong sa paglilinis ng ikinakargang fuel sa fighter planes sa carrier.

Catherine Blake (center), 20, emosyonal nang muling bumisita sa bahay-ampunan kung saan siya lumaki.
Ang kanyang rank na E-1 ay nangangahulugang seaman recruit at under apprenticeship.
Malaking achievement ito para kay Catherine na nagpursigeng makapasok sa US Navy sa kabila ng pagdududa sa kanyang kakayahan noon.
Sabi niya, “After graduating in high school, I wanted to experience being out in the sea, and I believed that I could do anything that I could put my mind to.
“A lot of people didn’t believe in me, but there’s a lot of people who also supported me and those were my family, and my best friend.
“I wanted to experience being out in the navy.”
MASAYA PARA KAY CATHERINE
Sa kabilang banda, “proud mom” naman si Charity Gaff, executive director ng Gentle Hands, sa success story ni Catherine.
Si Catherine ang nagsilbing nanay ni Catherine at sa mga kagaya niyang ampon.
“Natutuwa ako sa kanya kasi na-survive niya lahat ng nangyari sa kanya sa adoption sa Amerika," ani Charity ukol kay Catherine.
“Now she is part of the Us Navy and she’s an effective individual, and so we’re very proud. I’m very proud.”
Sa pagbisita ni Catherine sa bahay-ampunan noong Sabado, October 15, kasama rin niya ang iba pang US Navy recruits ng US carrier.

Kasama ni Catherine ang iba pang US Navy recruits na nakipaglaro sa mga bata sa orphanage.
Nakipag-bonding, nakipaglaro, at nakipagkantahan ang mga ito sa mga bata.
Ayon sa post ng Gentle Hands sa FB page nito: “What an incredible day full of fun, games, and singing.
“And the most amazing part of it was having CAT back… ten years after being adopted- now a beautiful young woman serving in the US Navy. We are more than proud. We are more than grateful.
“Thankyou, saillors, for being willing to play today…. memories that will last a lifetime.”
