PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Regine Velasquez and Ogie Alcasid on bashers

Ogie and Regine talk about navigating through highs and lows of married life.
by Melba R. Llanera
Published Oct 17, 2022
Ogie Alcasid and Regine Velasquez
Regine Velasquez on how she and Ogie Alcasid keep the romance alive in their married life: "We make it exciting. Kung magkakatampuhan man kayo, make sure within the day, maayos ninyo yung problema. Di ako masyadong naniniwala sa away kasi feeling ko lahat puwedeng pag-usapan nang maayos."
PHOTO/S: Melba Llanera

Aminado si Regine Velasquez na kapag mahal niya sa buhay ang nakanti ay talagang papalag siya.

Ito ang eksplanasyon ni Regine kaugnay ng pagsita niya sa basher na sinisisi ang mister niyang si Ogie Alcasid sa pagkahulog ng Asia's Songbird sa stage ng It's Showtime.

Hindi nasalo ni Ogie si Regine, at binigyan iyon ng malisya ng isang netizen.

Dahil dito, tinawag ni Regine ang pansin ng basher na nagkukubli umanong fan para pag-awayin silang mag-asawa.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Regine at Ogie sa 13th Star Awards For Music, na ginanap sa Newport Performing Arts Theater noong October 12, 2022.

Nilinaw ni Regine ang posisyon niya sa isyu.

"Dapat, actually, hindi ko na pinapansin. Kasi kapag ako yung pinipintasan, whatever, kapag ako, I really don't mind, I'm used to it.

"Pero kapag family ko, especially asawa ko, nati-trigger ako," panimulang pahayag ng Asia's Songbird.

Hindi raw maintindihan ni Regine kung bakit ginawan pa ng isyu ang hindi pagsalo sa kanya ni Ogie, gayong siya ay tinawanan lamang ang pagkahulog niya sa stage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I mean, don't get me wrong. Our relationship is not perfect, wala namang relasyon na perfect.

"Pero, parang to wish that para sa isang couple na [mag-away], obviously we're trying to work our relationship, parang ang mean, it's so mean.

"Nowadays, ang dami na nating pinagdaanan, ang daming nabawas sa atin, namatayan tayo, ang daming nawala sa atin, hanggang ngayon ba ganun pa rin? Hindi pa ba tayo natuto?

"Parang, di ba, dapat more than anything else, mas maganda if we try to encourage each other, support each other, knowing na ang dami sa atin na may pinagdaanan?

"Lahat tayo may depression, anxiety, dinaanan natin lahat iyan. Hanggang ngayon ganyan pa rin tayo? Hindi tayo natuto? So, nakaka-sad."

Deadma naman si Ogie sa pag-atake sa kanya ng bashers.

Aniya, "Parang natatawa na lang ako sa mga ganyan. But then again, I can understand that not everybody is gonna like you.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"That's why I tweeted something like, 'Keep the one that care about you close to your heart cause they matter.'

"Pag binigyan mo pa ng energy yung kanegahan, ikaw lang ang napagod. I choose to ignore those things."

ON MARRIED LIFE

Noong June 2022, naisyu na on the rocks umano ang pagsasama ng mag-asawang Regine at Ogie. Pero pinabulaanan na iyon ng dalawa.

Sa December 22, 2022 ay 12th anniversary na nga nila bilang married couple.

Sa patuloy na panayam ng PEP.ph, tinanong sina Regine at Ogie na waring nauuso sa showbiz couples ang hiwalayan

Ano ang masasabi nilang sikreto sa isang masaya at matatag na pagsasama?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Ogie, "Mahirap sagutin 'yan ng isang sagot lang.

"Siguro in a nutshell, ano iyan, e, chemistry, take time to talk to each other, to listen to each other, understand and support each other."

Dugtong ni Regine, "Just like everything else, it's work. You have to work at it.

"Hindi naman puwede na porke't mag-asawa na kayo you take each other for granted. Sometimes that happens.

"Again, in any relationship, kailangan mong pagtuunan ng time. We make sure we spend time together, we talk every day."

Ikinalulungkot naman ni Ogie kapag may celebrity married couples na naghihiwalay, lalo na't napagdaanan niya ito nang mauwi sa hiwalayan ang marriage nila ng first wife na si Michelle Van Eimeren.

"Pero alam niyo, I feel bad for those na naghihiwalay, kasi siyempre nanggaling din ako dun.

"Nakakalungkot, mahirap yun. At sana kung dumaan man sila dun, maayos ang lahat. Hindi lang naman kayo ang maaapektuhan, yung mga bata, so nakakalungkot," saad ng singer-songwriter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya mahalaga raw na may excitement pa rin kahit matagal nang magkarelasyon.

Paliwanag ni Ogie, "Di ba, ang kalaban ng lahat ay monotomy? Siyempre pag expected mo na kung ano yung mga kaganapan sa inyo sa isang araw, parang nagiging boring.

"We try to spice it up with surprises. Huwag kayong magugulat kung mag-aaway kayo.

"Minsan kailangan yun para lalo kayong magkaintindihan. Kaunting tampuhan."

Sabi naman ni Regine, "We make it exciting. Kung magkakatampuhan man kayo, make sure within the day maayos ninyo yung problema.

"Hindi ako masyadong naniniwala sa away kasi, feeling ko, lahat puwedeng pag-usapan nang maayos."

ON STAR AWARDS FOR MUSIC

Humakot ng awards sina Regine at Ogie sa 13th Star Awards for Music, kung saan nanalo as Male Concert Performer of the Year si Ogie para sa Kilabotitos. Ka-tie niya rito si Daniel Padilla na pinarangalan para sa concert na Apollos.

Nanalo rin sina Ogie at Moira ng Collaboration of the Year para sa collab song nilang "Beautiful."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Regine naman ang nanalong Female Concert Perfomer of the Year para sa concert na Unified, at ang Unified naman ang Concert of the Year.

Bilang mga beterano sa larangan ng OPM, aminado sina Regine at Ogie na mas nananaig sa kanila ang inspirasyon kaysa pressure pagdating sa paggawa ng musika.

Sabi ni Ogie, "When we receive tokens and awards, it always inspires for us to do better. Hanggang kaya, habang kaya."

Sang-ayon ni Regine, "It's always nice to be recognized for something that you like to do.

"Like he said, mas nabibigyan kami ng inspiration to create more, to do more concerts.

"Nagpapasalamat ako kasi akalain niyo, nagkaroon pa kayo ng time bigyan kami ng parangal. Maraming salamat sa PMPC, we really appreciate it."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Regine Velasquez on how she and Ogie Alcasid keep the romance alive in their married life: "We make it exciting. Kung magkakatampuhan man kayo, make sure within the day, maayos ninyo yung problema. Di ako masyadong naniniwala sa away kasi feeling ko lahat puwedeng pag-usapan nang maayos."
PHOTO/S: Melba Llanera
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results