Excited at labis ang pasasalamat ni Nina Girado na siya ang napiling special guest ng Danish soft rock band na Michael Learns to Rock para sa Back On The Road Tour 2022 nito.
Read: KC Concepcion's sister, Garie, opens Michael Learns to Rock concert in Manila
Ang grupong Michael Learns to Rock, ay binubuo nila Jascha Richter, Kare Wanscher and Mikkel Lentz.
Kilala sila ng mga Pinoy sa kanilang classic hit songs na “That’s Why (You Go Away)," “Take Me To Your Heart," “25 Minutes," “Paint My Love," “The Actor," “Out of The Blue," “Complicated Heart," “Nothing To Lose," “Breaking My Heart," at “You Took My Heart Away."
Read: Michael Learns to Rock member tells Filipinos: “We remember the way you guys can sing.”
Sa virtual mediacon ng Michael Learns to Rock, Back On The Road Tour 2022 noong October 13, 2022, punung-puno ng pasasalamat ang tinaguriang Diamond Soul Siren, “I’m feeling thankful, feeling honored and I’m much more excited kasi international ang makakasama ko.
"A lot of local artists want to be a part of an international act, so, kung ano man yung feeling nila, feeling excited, feeling thankful, and feeling fulfilling, lahat na siguro, and feeling honored, ayon na yung napi-feel ko.
"Sobrang nagpapasalamat ako to be part of such a concert of a legendary band which is Michael Learns to Rock.
"Sobrang nakakatuwa, iba talaga yung feeling, lahat na nararamdaman ko."
Ayon pa kay Nina, noon pa man ay fan na siya ng Michael Learns to Rock, kaya naman naging inspirasyon niya ang mga ito sa kanyang music career.
Pagbabahagi niya, "Yung simplicity ng song nila, simplicity in a way na kumbaga lahat ng tao kayang kantahin yung song nila, pero may malaking effect sa atin.
"Iba yon, e, simple sa atin, pero ang lakas ng dating [sa audience]. Ayon yung naging impact nila sa akin na parang, 'Wow, sobrang simple ng kanta pero puwede pa lang kantahin ng lahat, naging hit song siya.'
"Growing up kasi I used to hear their songs and hit after hit, song after song lahat naging hit song, ang galing lang."
NINA'S PREPARATIONS
Wala naman daw pinagkaiba ang preparation ni Nina sa tuwing sumasalang siya sa stage.
Mapa-international o local man ang kanyang makakasama ay isa lang ang kanyang paghahanda: dapat nasa kondisyon ang kanyang boses.
Aniya, "Ume-effort talaga ako, to take good care of my voice. Noon pa man hanggang ngayon, same pa rin kung paano ko alagaan yung boses ko.
"Kung may show hindi ako nagpupuyat or mas extra careful ako sa mga foods na kinakain ko na hindi makakasira sa boses ko."
Si Nina ay kilala sa kanyang mga hit songs na "Someday," "Jealous," "Foolish Heart," at "Make Your Mine."
Samantala, gaganapin ang Michael Learns to Rock, Back On The Road Tour 2022 sa Araneta Coliseum sa October 26, 2022, Waterfront Hotel Ballroom sa Cebu sa October 28, 2022, at SMX Convention Center sa Davao sa October 30, 2022.
