Aminado si K Brosas, 47, na sariling katamaran niya ang hadlang kung bakit siya single.
Nabuyo na siya ng mga kaibigang mag-subscribe sa dating apps tulad ng Tinder at Bumble para magkaroon ng oportunidad maka-meet ng single men.
Sa PEP Live, ipinakita pa ni K na nagsa-swipe right naman siya at may nakaka-match, pero wala raw siyang ganang makipaglandian.
"Wala, e. Kung naghahanap eko, e, di dapat binubuksan ko yung Tinder ko o Bumble.
"Minsan binubuksan ko. So, para akong tanga, binubuksan ko para matawa sa sarili ko. Tinitignan ko nagla-like sa akin.
"Mamatay na aka ngayon, ah. Baka sabihin ng tao, 'Wooo! Charot-charot ito si K!'"
Sabay inilapit ni K sa screen ang mobile phone niya habang nakabukas ang Tinder app. Sabi niya, "Exhibit A. Hahaha!"
Sa Tinder, kailangan ay pareho kayong nag-like sa isa't isa para mag-match sa isang lalaki, at pagkatapos ay puwedeng mag-initiate ng conversation sino man sa babae o lalake.
Sa Bumble, pag nakahanap ng match, kailangan mauna ang babae na mag-initiate ng conversation at saka lang makakapag-send ng message ang lalake.
"Like, kasi kahapon nag-check ako. Kita mo gaano ako katamad. Tinitingnan ko lang siya ta's wala naman ako sinasagot.
"E, ngayong October, medyo free ako nang kaunti. Andiyan yung puwede siguro ako makipag-date, puwede ako makipag-meetup," saad ni K.
Sabay pag-amin niya, "Tinatamad ako, 'Te! Tsaka aaminin ko, wala na, wala akong gana. Wala na yung kilig. Di ko alam kung bakit."
Biro pa ni K, "Baka naiwan ko sa bahay or something. Baka na-misplace ko lang. Di ba, parang kinikilig ka kapag nakakakita ka ng text, wala. Pakihanap nga!"
- K Brosas, di itinuloy magpa-freeze ng egg; mataas ang standard pagdating sa love life
- K Brosas, matagal nang alam ang breakup nina Pokwang at Lee O'Brian
- Camera captures K Brosas having anxiety attack during taping of Lakwatsika
ON FRIENDS AS HER "BUGAW"
Mismong mga kaibigan ni K ay sinasabihan siyang kailangan din niyang mag-effort na makipagkilala sa mga lalaki.
"Sabi ng friend ko, 'Bakla ka, di ka naman lumalabas. Nasa trabaho-bahay-trabaho ka lang,' which is true.
"'Pag nag-a-abroad ka naman di ka rin palagimik.' Tama nga naman sila kaya kailangan buksan mo yung puso mo sa online app.
"E, kaso, 'Te, nakapaarte ko! 'Tsaka wala kasi lumalapit."
Biro pa ulit ni K, "Nuknukan ako ng arte. Kaya kailangan ko ng friends. Wag na tayo paliguy-ligoy pa, mga 'bugaw.' Halos ipangalandakan nila ako.
"Minsan kahit nakatitig sa akin lalaki, clueless pa rin ako. Hahaha!
"Kailangan mga friends ko bakla ayan na… Nung kabataan ko ito, ha. Ngayon wala na rin. Wala na yung mga bugaw. Nag-settle down na lahat. Ako na lang yung nganga. "
ON MEN BEING INTIMIDATED BY HER
Hindi rin daw naniniwala si K kapag sinasabing baka nai-intimidate sa kanya ang lalaking nakikilala niya dahil sa lakas ng kanyang personalidad.
"Nai-intimidate kasi strong independent woman? Sabi ko naman, 'Di ko kasalanan yun. Kasalanan niyo kasi mahina kayo.'
"Sino mag-a-adjust? Ano ako, margin? Ibig sabihin mahina ang lalaki. Hindi mo kaya ang isang fierce woman."
Si K ay proud single mom na may anak na nagtatrabaho na rin. Kaya kung tutuusin ay wala talagang balakid para atupagin niya ang love life.
Pero hindi raw para ilagay niya ang sarili sa sitwasyon na magiging isyu sa relasyon ang pera.
"Kasi I've been there, done that, years ago. Yung binaba ko yung pride ko. Hindi nag-work, e.
"Lumalabas yung issue na mas malaki kita ng babae. Sa akin lang ito, ha? Personal experience.
"Lumalabas pa rin na ikaw mas malaki kumita. So, ego ng lalaki yun, di ba? Kasi yung mga lumalapit sa akin, mga bagets. Charot!"
ON FINDING A GUY WHO'S CONFIDENT WITH HIMSELF
Pero kahit na aminadong tamad siya, bukas pa rin daw si K sa posibilidad na magkaroon ng karelasyon.
"Siguro kailangan very responsible, very mature. Forty-seven na ako. 'Tapos ngayon nagkaron na ako ng bahay.
"Di ko sinasabi na mangyayari, pero andami ko puwede isumbat pag di nag-keep up sa iyo.
"Di naman importante mayaman, kailangan masipag. Kasi pag masipag, yayaman iyan."
Humirit din si K na gaganahan siya pag ang kanyang nakarelasyon ay ang celebrity crush niyang si Marc Nelson.
Sabi niya, "Ang hirap magkaroon ng standard, e. Mahirap magsalita.
"Siyempre sabi ko dati, tall, dark, and handsome. Siyempre dream big.
"Marc Nelson, mahal na mahal kita, alam niya iyan. Si Marc Nelson talaga ang standard ko.
"Alam mo, si Marc Nelson, magkakaroon ako ng pakiramdam uli. Totodo, sasabog, 'Te pag si Marc."
Sa bandang huli, seryosong sabi ni K, "So, bahala na si Lord. Pero kung hindi, hindi naman ako dine-define ng lalaki.
"Andiyan achievements natin, pagiging single mom, okay na yun."
Iba na lang daw ang pagtutuunan niya ng pansin, "So, beach house na ang next project ko."
