PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lianne Valentin reveals how Apoy sa Langit changed her career

"Grabe, it really changed my career talaga!"
by Khryzztine Joy Baylon
Published Oct 19, 2022
Lianne Valentin
Lianne Valentin: "Ever since na nag-start yung Apoy sa Langit, actually I never imagined... hindi ko nakita kung ano yung possibilities o ano yung mangyayari during Apoy sa Langit at anong mangyayari [sa akin] after. Grabe, it really changed my career talaga. It helps me na mag-grow bilang artista."
PHOTO/S: Lianne Valentin Instagram

Itinuturing ng Kapuso actress na si Lianne Valentin na "big break" sa kanyang showbiz career ang pagganap niya bilang Stella sa Kapuso afternoon drama series na Apoy sa Langit.

Umere ang Apoy Sa Langit mula May 2, 2022 hanggang September 3, 2022.

Read: Actresses who played iconic "kabit" roles in teleseryes

Pagbabahagi ni Lianne, "Ever since na nag-start yung Apoy sa Langit, actually I never imagined... hindi ko nakita kung ano yung possibilities o ano yung mangyayari during Apoy sa Langit at anong mangyayari [sa akin] after."

Labis din ang kanyang pasasalamat sa magandang pagtanggap ng mga tagahanga at tagasubaybay ng teleserye.

Aniya, "Eto, natapos na yung Apoy sa Langit, I'm very grateful and I'm very happy na good and positive feedback yung mga nababasa at nakukuha ko."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lianne sa ginanap na GMA-NCAA All-Star Basketball Game, noong October 15, 2022, sa FilOil Centre sa San Juan City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Raheel Bhyria hailed as Celebrity MVP at GMA-NCAA All-Star Basketball

Ayon pa kay Lianne, ang pagganap niya bilang Stella ang nagbukas ng pinto sa mas marami pang oportunidad.

Saad niya, "Grabe, it really changed my career talaga.

"It helps me na mag-grow bilang artista at siyempre sa journey ko bilang actress also."

COLLABORATION AND TRUST

Kabilang sa mga nakasama ni Lianne sa Apoy sa Langit ay sina Maricel Laxa (Gemma), Zoren Legaspi (Cesar), at Mikee Quintos (Ning).

Kung may mga bagay na natutunan si Lianne sa mga kasamahan niya sa show, ito ay ang pagtitiwala sa kakayahan ng bawat isa.

Naniniwala siya na dahil dito kung kaya't naging matagumpay ang pagwawakas ng kanilang serye.

Read: Lianne Valentin looks forward to her next acting challenge after success of Apoy Sa Langit

Pagbabahagi ni Lianne, "Natutunan ko na how important collaborating is.

"Kung hindi kasi dahil sa collaboration ng lahat ng artista at kun hindi dahil sa trust na ibinigay nila sa bawat isa, hindi mangyayari yung magandang nakita niyo sa Apoy Sa Langit.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"It's really full of teamwork, effort, and trust talaga kaya naging successful."

Ang last episode ng Apoy Sa Langit ay nakapagtala ng 10 percent rating, at may four million views livestream sa Facebook.

Read: Apoy Sa Langit fires up the ratings chart on its finale

NEW PROJECT

Bukod sa kanyang fans, malaki rin ang pasasalamat ni Lianne sa GMA-7 sa sunud-sunod na proyektong natatanggap.

Wala pa kasing isang buwan matapos magwakas ng Apoy sa Langit ay tampok siya sa Regal Studio Presents Love Your Beat, kung saan katambal niya si Carlo San Juan.

Ibang-iba raw ang karakter dito ni Lianne, na kinamuhian ng marami bilang ang kabit na si Stella sa Apoy sa Langit.

Read: Lianne Valentin moves on from "kabit" character; her new role is babaeng iniwan

Nahirapan ba siyang mag-adjust sa pagiging kontrabida noon at ngayon naman ay bida?

Sagot ni Lianne, "Hindi naman ako nahirapan, kasi siyempre very grateful ako sa journey ko as Stella. Pero siyempre everything comes to an end.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nag-end yung journey ko as Stella, I need to let go the character and, you know, I really want to try different things and new character.

"Hindi ako nahirapan, pero yung feeling may pagka-sepanx, kasi nasanay ako na ilang months na lock-in taping sa Apoy sa Langit."

Sa kabila ng natatanggap na papuri at kasikatan ni Lianne, nakakaramdam daw siya ng pressure na tumataas ang expectation sa kanya ng mga tao

Saad niya, "Oo, sobra, nakaka-pressure naman kasi talaga yun. Kasi, you know, maraming tao at supporters na nagka-count talaga sa akin and looking forward sa mga susunod kong projects.

"Ang goal ko kasi is every project na gagawin ko, maging kakaiba siya or maging iba siya doon sa previous role ko.

"Kunwari same kontrabida, but I want to take a different world or take sa kanya."

Dagdag pa niya, "Nakaka-pressure pero I believe kaya 'yan, basta may preparation."

HOW'S LIANNE'S HEART?

Tila nagulat naman si Lianne nang kamustahin ang kanyang buhay pag-ibig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tipid niyang sagot, "Okay naman po ang heart ko.

"I'm very happy naman po sa lahat ng nangyayari sa career ko, yun lang po masasabi ko."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lianne Valentin: "Ever since na nag-start yung Apoy sa Langit, actually I never imagined... hindi ko nakita kung ano yung possibilities o ano yung mangyayari during Apoy sa Langit at anong mangyayari [sa akin] after. Grabe, it really changed my career talaga. It helps me na mag-grow bilang artista."
PHOTO/S: Lianne Valentin Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results