PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Netizens react to new photo of Michael V. and son Milo

"Sinama ko uli ‘yung anak kong nag-viral because my kids LOVE the cinema!"
by Arniel C. Serato
Published Oct 19, 2022
Michael V. pokes fun at look-alike son Milo after he became viral
Michael V. pokes fun at his son Milo Bunagan days after netizens noticed their striking resemblance.
PHOTO/S: Courtesy: @michaelbitoy on Instagram

Sinakyan ni Michael V.—Beethoven del Valle Bunagan sa totoong buhay—ang pagba-viral ng larawan nila ng la-look alike niyang anak na si Milo Bunagan.

Manghang-mangha ang maraming netizens dahil para silang pinagbiyak na bunga ng binatang anak.

Read: Here's why Michael V.'s photo with his children became viral

Sa Instagram ngayong Miyerkules, October 19, 2022, ibinahagi ni Michael V. ang larawan nila ng kanyang mga anak, kabilang si Milo, na nanood ng advance screening ng latest Hollywood movie ni Dwayne Johnson na Black Adam.

Caption ng Kapuso comedian, “We watched the premiere of #BlackAdam kagabi sa IMAX SM Megamall!

"‘Sinama ko uli ‘yung anak kong nag-viral because my kids LOVE the cinema! Thank you @warnerbrosph for the invite!”

Nagbahagi rin si Michael V. ng kanyang review sa pelikula.

Nakakatawa naman ang mga komento ng netizens tungkol sa kanilang larawan:

Netizens funny comments on Michael V.'s photo with look-alike son Milo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Netizens funny comments on Michael V.'s photo with look-alike son Milo

Netizens funny comments on Michael V.'s photo with look-alike son Milo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong October 14, nag-viral ang lumang photo ni Michael V. kasama ang mga anak na sina Milo at Yanni Bunagan.

Noong June 2022 pa ang nasabing post na ito ng komedyante, pero muling nag-circulate sa social media at naging viral sa Facebook matapos i-repost ng content creator na si Perds Centino.

Mula sa original na family photo, nag-crop si Perds ng portion para makita si Michael V.—kilala rin sa showbiz sa tawag na Bitoy—na katabi ang anak na babaeng si Yanni, at si Milo.

Michael V. and children viral photo

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi maipagkakailang kamukhang-kamukha ni Bitoy ang dalawang anak, lalo na si Milo.

Caption ni Perds sa kanyang Facebook post: "Si Bitoy at ang anak ni Bitoy na mas mukhang Bitoy kaysa kay Bitoy."

Ang akala ng ilang netizens ay in-edit lang sa photo editing app na Photoshop ang larawan.

Pero nasa Instagram pa rin ito ni Bitoy.

Nai-share ito noon ni Michael V. sa Instagram matapos manood ng kanyang pamilya ng premiere ng Jurassic World Dominion noong June 7.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Michael V. pokes fun at his son Milo Bunagan days after netizens noticed their striking resemblance.
PHOTO/S: Courtesy: @michaelbitoy on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results