Nagpahayag ng saloobin ang singer-songwriter na si Chito Miranda at actress-comedian na si Pokwang tungkol sa mungkahing ipahinto sa Pilipinas ang pagpapalabas ng foreign shows, partikular na ang mga drama series mula sa South Korea.
Noong Martes, October 18, 2022, naging usap-usapan sa social media ang pahayag ni Senator Jinggoy Estrada tungkol sa kanyang obserbasyon sa pagkuhumaling ng mga Pinoy sa Koreanovela.
Ayon sa senador, dahil dito ay nawawalan ng kita at trabaho ang mga artistang Pilipino kung kaya't minsan ay pumapasok sa kanyang isipan na i-ban na ang mga K-drama.
Sa pamamagitan ng Twitter nitong Miyerkules, October 19, ibinahagi nina Chito at Pokwang ang kanilang reaksiyon tungkol dito.
Read: Pokwang reacts to “sayang luha” comment on birthday video of ex-partner Lee O'Brian
Para sa Parokya ni Edgar lead vocalist, hindi solusyon ang pagpapahinto sa foreign shows para sa pag-angat ng Filipino shows at artists.
Saad niya (published as is), "Targeting foreign shows or acts is not the solution for the lack of support towards local shows and artists.
"Coming up with better shows and songs, is.
"As artists, kelangan lang natin galingan mas lalo para sabay tayo sa foreign acts."
Dagdag pa niya, "'Earn' the support. Di pwedeng sapilitan."
Ayon naman kay Pokwang, imbes na i-ban ang mga Koreanovela ay gayahin na lang ng ating pamahalaan ang ginagawa ng South Korea na sinusuportahan ang entertainment industry nila.
Sabi ng TicktoClock host, "Maganda naman po ang inyong hangarin senador na mabigyan kaming mga local artists ng trabaho, salamat po.
"Pero imbes na i-ban ang mga koreanobela gayahin natin sila na suportado ng gobyerno ang bawat proyekto nila at ang buong industriya nila. #kungpwedelangnaman."
NO TO K-DRAMA BAN
Maliban kina Chito at Pokwang, nagpahayag din ng kanilang opinyon si dating Senador Ping Lacson, Atty. Rowena Guanzon, Atty. Chel Diokno, at film writer na si Jerry Gracio.
Tweet ni Ping, "Banning Korean telenovela in Ph: dragging down a better person is the worst kind of envy."
Para naman kay Atty. Guanzon, maraming makakaaway ang sinumang magpapa-ban sa mga Koreanovela.
Tweet niya, "What? ban Korean telserye? Aba marami kayong kaaway dyan, pati ako. The Extraordinary Atty Woo is my fave."
Idinaan naman sa meme ni Chel Diokno ang kanyang saloobin.
Sa kanyang post, makikita ang isang eksena sa K-drama na Hometown Cha-Cha-Cha na pinagbidahan nila Kim Seon Ho at Shin Min Ah.
Mababasa sa naturang meme: "Problema sa Pilipinas, pero K-drama ang kinakalaban."
Tila may parinig naman ang film writer na si Jerry.
Saad nito sa kanyang tweet, "Paki-tigil-tigilan ang eme sa KDrama. Mag-invest kayo ng mas maraming pera sa industriya, sa training ng industry personnel, economic security ng production at creatives, bawas ng tax, mas maraming incentives, 'yung plunderers ang i-ban ninyo sa Senate."
ESTRADA CLARIFIES STATEMENT
Nitong Miyerkules, October 19, 2022, nakipag-ugnayan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Senator Estrada para hingin ang kanyang panig tungkol sa reaksiyon ng mga Pilipinong tutol sa naging pahayag niya.
Read: Senator Jinggoy Estrada clarifies statement about banning K-dramas in the Philippines
Paglilinaw ng senador, hindi naman siya tutol sa South Korean shows, ang iniisip lang daw niya ay ang kapakanan ng mga Filipino artist.
"I said that out of frustration. I only wanted to protect the interests of my fellow artists. Filipino first.
"My statement stems from the frustration that while we are only too eager and willing to celebrate South Korea's entertainment industry, we have sadly allowed our own to deteriorate because of the lack of support from the movie going public.
"I wish that the zealousness of our kababayans in patronizing foreign artists can be replicated to support our homegrown talents who I strongly believe are likewise world-class.
"I have nothing against South Korea's successes in the entertainment field and, admittedly, we have much to learn from them. Pero huwag naman nating kalimutan at balewalain ang trabaho, pinaghirapan at angking likha ng ating mga kapwa Pilipino.
"South Korea's phenomenal success is rooted in their love of country."
Dagdag pa niya, "It is high time that we follow their example and do the same for our own entertainment industry that is at best, barely surviving."
