Naka-ilang “wrong send” messages ka na?
Ito yung hindi sinasadyang naipadala ang message sa maling tao o maling message ang naipadala.
May mga ganoong moments tayo, right?
Kaya naman naging tampulan ng katuwaan ang ilang “wrong send” messages na ito sa social media.
MESSAGE SA VICTORY LINER NA-SEND SA VICTORY CHRISTIAN FELLOWSHIP
Kagaya na ipinost ng netizen na si “Jem” na noong 2018 pa, pero hanggang ngayon ay lumilitaw pa rin sa feed at napapatawa ang netizens.
Tungkol ito sa inquiry ni Jem about biyaheng papunta sa Calumpit, Bulacan.
Message ng netizen (published as is): “may biyahe po ba kayong pacalumpit Bulacan?”
Ang buong akala ng netizen ay naipadala niya ito sa Victory Bus Liner, pero ang naclick niya pala ay page ng Victory Christian Fellowship.
Mahinahong sagot ng admin ng religious organization: “Hello, Jem. Thanks for messaging us.
“We are Victory, a church that exists to honor God and make disciples.”
Paglilinaw pa ng religious organization: “Sorry but it seems like you are looking for Victory Liner, Inc.”
Malugod pang nag-provide ang admin ng Facebook link ng bus liner.
Message nito kay Jem: “You may want to visit their Facebook page [FB link of the liner] for more info.”

Sunud-sunod naman ang messages kay Jem ng mga kakilala niya.
Marami ang nagbiro na “biyaheng langit” pala napagtanungan ni Jem.

Biro naman ng isang kakilala, kaka-Mobile Legends daw ito ni Jem kaya nagkamali siya.
Pansin naman ng isa pa, napakabuti ng admin ng Victory Church na nag-effort pa para sumagot at tulungan si Jem.

MALING FILE ANG NAIPADALA KAY PROF
Samantala, kinabahan naman ang isang estudyante sa kanyang lutang moment matapos ipadala sa kanyang professor ang kanyang research paper na may file name na pinipintasan ang research assignment.
Ipinost ng professor ang screenshot, kalakip ang caption na: “Wag lutang."
Sa palitan ng messages, humihingi ng tulong ang estudyante sa kanyang professor ukol sa kanyang research paper.
Hiling ng estudyante, magpapa-consult siya sa kanyang professor sa chapter 2 ng research paper.
Ipinadala ng estudyante ang file bilang attachment.
Ang filename nito: juskong research to ayoko na.docx
Mukhang napagtanto ng estudyante ang kanyang pagkakamali at mabilis na sinundan ito ng “sorry” dahil sa hindi na-rename ang file.
Mahinahon naman ang sagot ng professor sa kanyang estudyante. Aniya, naiintindihan naman niya ang laman ng file.
Message niya: “Sige naintindihan ko naman. Pakicheck na lang yung correction ko.”
Ipinadala ng professor ang edited file, at ang filename ay malinaw na mensahe sa kanyang estudyante: “Ulitin mo ito para pumasa ka.docx.
Message ng student: “HAHAHAHAHA SORRY NA SER.”

