PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miss Q&A Anne Patricia Lorenzo trends on Twitter

Anne Patricia: "Nilikha tayong matalino, pero choice natin magpakatanga."
by Arniel C. Serato
Published Oct 22, 2022
Anne Patricia Lorenzo winning answer
It's Showtime's "Miss Q&A: Kween of the Multibeks" grand winner Anne Patricia Lorenzo's winning answer: "Naniniwala akong may taong tanga. Bakit? Dahil sinasadya niyang magpakatanga kahit lahat naman tayo ay may kakayahang malaman kung ano ang tama at mali."
PHOTO/S: Courtesy: Pinky Monteverde on Facebook

Trending topic sa Twitter ang grand winner ng "Miss Q&A: Kween of the Multibeks" ng It's Showtime na si Anne Patricia Lorenzo dahil sa kanyang winning answer.

Trending Miss Q&A

Gayundin ang mismong timpalak na number 1 pa rin sa Twitter hanggang ngayon, October 22.

Ang final question para sa “Last chukchak” segment ay: “Naniniwala ka bang may taong tanga?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Anne Patricia, naniniwala daw siyang may tao talagang tanga na nagtanga-tangahan.

Miss Q&A winning answer

Lahat naman daw kasi tayo ay nilikhang matatalino pero minsan daw ay hindi na rin nag-isip ang ibang tao at piniling magpakabobo.

Lalo na daw tuwing halalan, alam naman daw ng mga tao kung sino ang may kakayahan na mamuno pero nagpapadala pa rin daw sila sa kandidatong may matatamis na salita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Buong sagot niya, “I believe, oo. Naniniwala akong may taong tanga. Bakit? Dahil sinasadya niyang magpakatanga kahit lahat naman tayo ay may kakayahang malaman kung ano ang tama at mali.

“Nilikha tayong matalino, pero choice natin magpakatanga at sila yung mga totoong taong tanga dahil pinipili nila magpakabobo sa sitwasyong kailangan naman nila at kayang-kaya nilang maging matalino.

"Tulad na lang sa pagpili ng pinuno ng ating bayan. Nagiging tanga tayo dahil alam naman natin kung sino ang may kredibilidad at may kakayahan pero pinipili natin ang mga taong...

“Nagpapadala pa rin tayo sa mga taong may mga matatamis na mga salita at iyan ang pagkakataong may taong tanga. And I thank you.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dahil sa kanyang sagot, siya ang tinanghal na grand winner at nag-uwi ng premyong P500K at iba pa.

.1% lang ang lamang niya sa First Runner-up na si Karen Montecillo na nakakuha ng 92 percent, dahil ang kanyang score ay 92.1%.

Miss Q&A score

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, hindi naman nakadalo ang main host ng It’s Showtime na si Vice Ganda “for a valid reason” kung saan kagabi pa raw siya umiiyak.

Read: Vice Ganda issues statement after missing the grand finals of "Miss Q&A: Kween of the Multibeks"

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It's Showtime's "Miss Q&A: Kween of the Multibeks" grand winner Anne Patricia Lorenzo's winning answer: "Naniniwala akong may taong tanga. Bakit? Dahil sinasadya niyang magpakatanga kahit lahat naman tayo ay may kakayahang malaman kung ano ang tama at mali."
PHOTO/S: Courtesy: Pinky Monteverde on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results