Kabilang ang actress-director na si Bela Padilla sa mga nagbigay ng personal na reaksiyon tungkol sa mungkahi ni Senator Jinggoy Estrada na ipahinto ang pagpapalabas ng foreign shows—partikular na ang mga television series mula sa South Korea—sa Pilipinas.
Read: Senator Jinggoy Estrada clarifies statement about banning K-dramas in the Philippines
Ilan sa mga pinagbidahang pelikula ni Bela ay ang Camp Sawi (2016), 100 Tula Para kay Stella (2017), Luck at First Sight, (2017), Meet Me in St.Gallen (2018), The Day After Valentine's (2018) On Vodka Beers and Regret (2020), at 366 (2022).
Gumanap din siya sa Filipino adaptation ng South Korean film na Miracle in Cell No. 7 nung 2019.
Sa pamamagitan ng sunud-sunod na tweet noong Biyernes, October 21, 2022, ipinahayag ni Bela ang kanyang saloobin sa naging mungkahi ng Senador.
Kasalukuyang nasa Seoul, South Korea ngayon si Bela para sa shooting ng isang local film kung kaya't naikumpara niya ang malaking pagkakaiba film industry ng Pilipinas sa Korea.
Tweet ni Bela (published as is), "Pinapanuod ng mga Pilipino ang kdrama kasi ginagastusan at mataas ang production value ng mga palabas nila.
"I’m currently in South Korea shooting a Filipino film and the difference of how they work is inspiring."
Mula sa kanyang naobserbahan, ikinalulungkot daw niya na bilang isang filmmaker sa Pilipinas ay hindi raw ganito ang trato na natatanggap nila.
Saad niya, "I’m saddened as a filmmaker in the Philippines that we don’t- -get the same support, funding or help from our government.
"Even the production costs, working hours, talent fees of writers, directors and everybody involved in making a film is too far for us to even compare."
Ayon pa kay Bela, kung bibigyan lang daw ng suporta ng gobyerno ang film industry sa bansa ay makalilikha rin ng mga world-class content ang Pilipinas.
Giit niya, "I agree that if we level the playing field and if filmmakers in the Philippines are given the same respect and support, we definitely could create world class content too.
"Sadly that isn’t the case. But to ban certain programs because their doing better than us is such a petty move."
Sa huli, ay tila may parinig pa si Bela.
Aniya, "Be happy for others and learn from their success. Kaya siguro tayo hindi masyadong umaasenso, pinupuna kasi natin ang mga taong masaya."
Dagdag pa niya, "Nakakahiya."
Maliban kay Bela, nauna na ring nagbigay ng reaksiyon ang mga kapwa niya celebrity na sina Chito Miranda at Pokwang tungkol sa nasabing isyu.
Read: Chito Miranda, Pokwang react to possible ban of K-dramas in the Philippines
