Hindi napigilan ni Nadine Lustre na sagutin ang mga nagsasabing nagbago raw ang kanyang hitsura.
Read: Nadine Lustre claps back at bashers who said she has not moved on from James Reid
Ayon sa aktres, naguguluhan daw siya sa tuwing may mga taong nagsasabi na hindi na siya kagaya noong dati at ngayon ay mukha na siyang mas matanda.
Sa pamamagitan ng isang tweet ngayong Linggo, October 23, 2022, tuluyan na ngang pinalagan ni Nadine ang mga bashers na pumupuna sa kanyang looks.
Tweet niya (published as is), "I find it so weird when people say I’ve changed and I look older.
"What? Were you expecting me to be the same person when I was 21?
"Im turning 29 next week."
Sa darating na October 31, 2022, ipagdiriwang ni Nadine ang kanyang ika-29 na kaarawan.
Hindi rin niya pinalagpas ang isang comment ng basher, kung saan ni-retweet nito ang nasabing post ng aktres.
Caption ng basher sa post ni Nadine (published as is), "Gurl ang dumi at dry kasi ng balat mo kaya mukha kang matanda."
Buwelta naman ni Nadine (published as is), "Atleast hindi kasing dumi ng ugali mo."

Sa kabila ng mga pumupuna sa kanyang looks, marami pa ring netizens ang nagpaabot ng suporta at sinabing huwag nang pansinin ni Nadine ang mga negatibong komento.




Bukod sa kanyang papalapit na kaarawan, inaabangan din ng kanyang mga fans ang muli niyang pagbabalik sa pag-arte sa 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Deleter.
Read: Natitirang apat na official entries sa MMFF 2022, inanunsiyo na
