PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gabby Concepcion: "Nandidito ako to start a new life."

Gabby apologizes to ex-wife Sharon Cuneta; wants to do movie with her and daughter KC Concepcion.
by Julie E. Bonifacio
Published Mar 31, 2008
"Kung anuman ang kasalanan ko sa kanya o kahit na kanino, nandidito ako para humingi ng pagpapatawad. So, let's put all the issues behind us now. I'm not here para mang-intriga. Nandidito ako to start a new life," Gabby C0ncepcion apologizes to ex-wife Sharon Cuneta and to the people with whom he had issues before.

Nagbalik na sa Pilipinas ang isa sa pinakamatagumpay at pinaka-kontrobersiyal na aktor sa local showbiz na si Gabby Concepcion pagkatapos ng 13 years. Dumating si Gabby kahapon, March 30, ng 3:26 AM sa Ninoy Aquino International Airport lulan ng Philippine Airlines flight 105 mula sa San Francisco. (Click here for PEP's story on Gabby's arrival.)

Matatandaan na noong dekada ‘80 sumikat si Gabby nang mapabilang siya bilang isa sa original Regal babies ni Mother Lily Monteverde, kasama sina William Martinez, Albert Martinez, Snooky, Dina Bonnevie, at Maricel Soriano.

Noong 1981 ay itinambal si Gabby sa ipinapakilala pa lang noon na si Sharon Cuneta sa unang pelikula nito na Dear Heart, na idinirek ni Danny Zialcita. Nasundan pa ang tambalan nila ni Sharon ng marami pang blockbuster movies under Viva Films, gaya ng P.S. I Love You, My Only Love, Dapat Ka Bang Mahalin?, Sa Hirap at Ginhawa, Pati Ba Pintig ng Puso?, Bakit Ikaw Pa Rin?, among others.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi nagtagal ay ikinasal sina Gabby at Sharon noong September 23, 1984. Noong sumunod na taon ay isinilang ni Sharon ang anak nila ni Gabby na si KC Concepcion. Ngunit hindi naglaon ay naghiwalay rin ang mag-asawa.

Sa kabila nito, patuloy na naging abala sa paggawa ng pelikula si Gabby. Hanggang sa dumating ang isa sa hindi malilimutan at pinakamalaking kontrobersiyang naganap sa local movie industry, ang Manila Film Festival (MMF) scam noong June 1994.

Nasangkot ang pangalan ni Gabby sa scam nang ipagpalit ng manager niyang si Lolit Solis ang pangalan ng mga nanalo para sa Best Actor at Best Actress awards. Kasama rin sa mga nasangkot ang iba pang malalaking pangalan sa showbiz tulad ni Ruffa Gutierrez, ang Miss Universe contestant from Mauritius na si Viveca Babajee, ang kapatid ni Ruffa na si Rocky Gutierrez, ang co-artist ni Gabby sa bakuran ni Manay Lolit na si Nanette Medved, at si Gretchen Barretto.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa tulong ng award-winning director na si Marilou Diaz-Abaya, nagpatawag sila ng press conference para kay Gabby pagkatapos magsampa ng demanda laban sa lahat ng sangkot sa MMF scam ang lungsod ng Maynila, sa pangunguna ni Mayor Alfredo Lim na siyang mayor ulit ngayon ng naturang lungsod.

Nagulantang ang lahat sa mga naging pahayag ni Gabby that time dahil idiniin niya na ang kanyang manager noon na si Manay Lolit ang may pakana ng lahat sa naganap na MMF scam. Sa madaling-salita, bumaligtad si Gabby sa kanyang dating manager.

LIFE IN THE U.S. Pagkalipas ng isang taon, noong 1995, ay nagdesisyon si Gabby na lisanin ang Pilipinas at subukan ang buhay sa Amerika. "When I left in 1995, I put it behind me. I need to move on. I had my time," pahayag ni Gabby nang salubungin siya ng The Buzz sa airport kahapon.

Pagkatapos ng ilang mabibigat na pagsubok sa kanyang buhay sa Amerika, naging matagumpay na real-estate broker at agent si Gabby sa San Francisco, California.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong 2004 ay muling nagpakasal si Gabby sa isang Pinay rin na nagngangalang Genevieve Yatco Gonzalez sa isang private wedding sa San Francisco. Last year, 2007, isinilang ang ika-apat na anak na babae ni Gabby.

Ilang oras lamang pagbalik ni Gabby sa Pilipinas ay humarap siya sa isang exclusive interview kay Boy Abunda sa The Buzz. Ito ang nagsilbing first live sit-down interview ng aktor sa mahabang panahon. Naging mainit ang pagtanggap ng mga tao kay Gabby mula sa staff at audience na nasa loob ng studio ng The Buzz sa ABS-CBN.

Inamin ni Gabby sa panayam sa kanya ni Boy na naging mahirap, mabigat at masakit ang mga unang taon niya sa Amerika. Kinailangan niyang magtrabaho dahil hindi naman tatagal ang naipon niya mula sa showbiz.

"I really need to find an income. So, ang ginawa ko, I went back to school. Wala nang ibang paraan, e."

BACK IN THE PHILIPPINES. Ngayong 2008, finally ay nagdesisyon na nga si Gabby na bumalik ng Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong siya ni Boy kung ano ang pakiramdam niya habang nasa eroplano pabalik ng Pilipinas.

"Nung nasa eroplano ako, just before mag-touch down, kinakabahan ako kasi I didn't know what to expect. Excited ako, masaya, kinakabahan," lahad ni Gabby.

Inamin din ni Gabby na napaluha siya nung mga oras na ‘yon.

"Oo, e, babalik ka rin, e. Kay tagal mong nawala, pero babalik ka rin," banggit ni Gabby tungkol sa isang awitin na para sa mga nagba-balikbayan.

Patuloy niya, "Parati kong naiisip yun, e. Ayaw ko sana munang umuwi ng Pilipinas... Well, maraming nangyari, marami akong...nasaktan ako, e. So, parang kinalimutan ko ang Pilipinas. Hindi ko na rin inisip na uuwi ako."

Ano ang nagpabago sa isip niya at nagdesisyon siyang bumalik ng Pilipinas, finally?

"Yun ang matinding tanong," sagot ni Gabby. "Dumami ang dahilan kung bakit kailangan kong bumalik ng Pilipinas at isa na doon ay dahil sa ama ko [Mr. Rolly Concepcion]. Because may sakit sa puso ang ama ko. Hindi ko naman puwedeng sabihin sa sarili ko na ganun talaga ang buhay, idadasal ko na lang. ‘Pag may nangyari sa kanya, hindi ko mapapatawad ang sarili ko. So, isa na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"'Tapos, dumagdag na nung dumating ako rito... Nagpapasalamat din ako kay Rose Flaminiano. Siya rin ang naglakad ng lahat para mapapunta ako," dagdag ng aktor na ang tinutukoy ay ang FLT Films producer na siyang tumatayong manager ngayon ni Gabby.

MOVIE WITH GMA FILMS. Tumindi ang usapan ng posibilidad na pag-uwi ni Gabby sa Pilipinas nang mabalita na gagawa siya ng pelikula under GMA Films, ang I.T.AL.Y., kasama si Jolina Magdangal. Pero hindi natuloy si Gabby sa proyekto na ngayon ay malapit nang simulan.

"Well, sana matuloy pa rin yun," sambit ni Gabby. "At yun naman ang unang hinangad ko na sana matuloy ‘yon. Of course, may konting conflict na hindi naman maiiwasan. Pero hindi ko itinatanggi na gumawa ako ng commitment na pinasukan ko. So, hinihintay ko na lang na sana matuloy ‘yon para matapos na. And everybody is aware of it."

Isa raw sa mga dahilan kaya hindi itinuloy ni Gabby ang paggawa ng proyekto kay Jolina ay dahil hindi naman sa kanya umiikot ang kuwento ng pelikulang dapat ay gagawin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Maraming dahilan, e. Kung ito nga ay magiging comeback, it has to be a comeback. Kasi kung hindi ko magiging comeback, bakit ko gagawin? Ang sinasabi ko lang is, babalik ako, e... So, anong tawag doon kung pagbalik ko? So, yun lang ‘yon," paliwanag ng aktor.

"But definitely, I am honoring the commitment. I've already told the executive that I am honoring my commitment," pahabol ni Gabby.

KAPAMILYA. Bago ang first live interview ni Gabby sa The Buzz ay kinumpirma na niya sa kanyang pagdating na kabilang na siya sa Kapamilya network. May nakatakadang teleserye na gagawin si Gabby sa ABS-CBN at pelikula sa Star Cinema.

"Yes, nung nag-usap kami kagabi, nung dumating ako, marami kaming napag-usapan ni Malou [Santos of Star Cinema], and I'm very excited for the projects because I know kung papano gumawa ang Channel 2," ani Gabby.

Alam na ba niya what specifically ang mga gagawin niyang proyekto?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Actually, hindi ko rin alam, e. Hindi ko rin alam ang gagawin ko dito as far as what movies to shoot. But I know that there are projects," sagot ng comebacking actor.

SHARON & KC. Malakas naman ang sigawan sa studio audience ng The Buzz sa pangalan ni Sharon Cuneta nang tanungin ni Boy si Gabby kung sino ang pipiliin niyang leading lady sa darating na movie projects niya.

"Narinig mo na," sabi ni Gabby kay Boy. "Of course, si Sharon has been part of my life. Of course, I'd like to do a movie with her. I'd love to do a movie with KC. She's my daughter after all. Sharon is the mother of my daughter. It would be nice if we could do something together.

"But of course," pasubali niya, "maraming intrigang papasok diyan. Katulad nga ng sinabi ni Sharon, paglalaruan lang or you know... Pero kung maiiwasan natin ‘yon, why not? You know, gumawa tayo, ipakita natin sa tao tutal ‘yon ang gusto nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Handa na ba siya sa mga intriga?

"Handa ako," diretsong sagot ni Gabby. "Wala naman akong itinatago. Ang buhay ko, bukas sa tao. Lahat ng intriga, heto nakadikit sa buntot ko. Kasama ako sa showbiz. Kasama ang intriga sa buhay ko. Kaya kung tirahin ako, I'm very open to it. Kaya wala na akong itinatago."

Nagkaayos na ba sila ni Sharon?

"Ah, hindi pa kami nag-uusap ng one-on-one. In other words, hindi pa kami nagkikita. Umupo tayo sa isang restaurant, kumain tayo, or mag-usap tayo," mensahe ni Gabby para sa dating asawa.

Willing ba siyang gawin 'yon kay Sharon?

"Oh, yeah," diin ni Gabby. "But nag-usap na kami sa telepono. Nung dumadalaw sa akin si KC, specially when I was in America, nag-usap kami sa telepono. And we've settled it. Okay na kami, maganda yung usapan namin.

"But for us to sit down, hindi na siguro mangyayari ‘yon because nag-usap na kami. There's no need. We both understand. Marami na kaming napag-usapan. But if we want to talk further, we can do that. Pero siguro, there's no more need for it."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa tingin niya ba ay may galit sa kanya si Sharon?

"Ay, meron nga ba?" tanong ni Gabby. "Well, siguro sa mga naririnig natin noon, may galit siya sa akin. But that's all in the past. So, kung anuman, ‘eto sasabihin ko, kung anuman ang kasalanan ko sa kanya o kahit na kanino, nandidito ako para humingi ng pagpapatawad. So, let's put all the issues behind us now. I'm not here para mang-intriga. Nandidito ako to start a new life."

Napag-usapan din ang tungkol kay KC. Kung sakali kaya at hindi pa nag-uumpisang mag-showbiz si KC, papayagan ba niya na mag-artista ang kanyang anak?

"Oo, open naman ako, e. Mama't Papa niya nasa showbiz, so I think mangyayari yun, e. So, kung gusto niya, kahit ano ang gusto niya, suportado ako. In fact, nung dumalaw siya sa akin [sa Amerika] at hindi pa niya alam ang gagawin niya, sabi ko sa kanya, ‘If you want to continue your study, you can stay with me this time.' Pero nagustuhan niya ang showbiz, so why not? Of course, I will support."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MANAY LOLIT. May tampo pa ba siya sa dati niyang manager na si Lolit Solis?

"Ah, wala na kaming tampuhan ni Lolit," sagot ni Gabby. "In fact, nagkita na kami sa [Las] Vegas. May mga clippings nga yun. Nagulat nga ako na lumapit siya sa akin. Nag-usap kami. Na-settle namin yun on the spot, which is good.

"Hindi ko naman akalain na magkikita kami ni Lolit doon dahil pinanood ko lang si Pacman [Manny Pacquiao]. Buti nanalo. Si Pacman, magaling talaga. Lahat ng mga fights niya, sinusubaybayan ko. Fan ako ni Pacman, ‘tsaka ng mga magulang ko.

"Nagkita kami ni Lolit, e, di nag-usap kami. Nag-settle kami. Sabi niya, ‘O, sige, bati na tayo. Pahingi ng one-hundred dollars.' E, di ayos na. Mabuti na lang meron akong one-hundred dollars, kung hindi baka hindi pa kami nagbati.

"Biro lang yun," bawi ni Gabby. "Lolit, kumusta? O, I love you, I love you!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THANK YOU. Binigyan din si Gabby ng chance na makapagpasalamat sa lahat ng mga taong tumulong sa kanya.

"Mahaba ang thirteen years, baka kulang ang oras natin. May oras pa ba tayo?" simula niya.

"Unang-una, siyempre gusto kong magpasalamat sa kapwa Pilipino natin na nasa Amerika na nagtiwala sa akin nung ako'y pumasok sa real estate dahil karamihan sa kanila, sila rin ang tumatawag. Sila rin ang nabebentahan ko at pinagkatiwalaan nila ako. ‘Sino ba itong artista ‘to na may nalalaman sa real estate?' Pinagkatiwalaan nila ako. Ibig sabihin, nandun yung pagtitiwala at pagmamahal.

"So yun, plus yung mga kaibigan ko na nakilala ko na roon who are strangers to me before I came to America. Marami sila... Ah, there's the Arangelo family, the Padlan family, si Butch, they took care of me. Maski wala akong insurance, mga dentista ang mga ‘yan... They took care of me, my family. Ah, marami sila who are in California.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And of course, now that this is happening, my parents, my father, my mother, my brothers, my siblings, my relatives, and of course, now Mommy Rose and that's all reason why I am here."

Ano ang pinakamahalagang natutunan niya sa nangyari sa kanyang buhay sa Amerika?

"Mahalaga po itong sasabihin ko... Mabuti you asked that question," sabi ni Gabby kay Boy. "Ang U.S. is very...or anywhere, basta't umalis ka ng Pilipinas... Ako on my part sa U.S., it's...United States is very humbling. Doon ako natutong...wala kang alalay, wala kang kasama. Ikaw ang gagawa lahat. Walang tutulong sa ‘yo maliban ang sarili mo.

"Doon ko nakita na sadsad ka, pero babangon ka rin dahil sa sarili mong gawa. Yun, mapag-aaralan mo ‘yon at mararamdaman mo lang ‘yon kapag napadpad ka run. So, do not neglect the people who you left or the people that you've met up there because they are the same people that you will meet down there," pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong din siya ni Boy kung ano ang dasal ng puso niya ngayon.

"Well, yung pagpapasalamat in 13 years, taon yun. Of course, higit sa lahat, nagpapasalamat ako sa Kanya because Siya ang nakapagbigay sa akin ng lakas all these years to go on. At lagi akong nagdadasal. Sabi ko lang, ‘Lord, padaanin mo lang ako dito, na maging successful ako sa Amerika, magsisimba ako Linggo-Linggo. Lord, ipasa ko lang itong real estate exam ko, magsisimba ako. Lord, pagdating ng panahon at makabalik ako ng Amerika...' Hindi naman ako magpa-pari, pero nandun din ang dasal ko sa Kanya," pagtatapos ni Gabby na guwapong-guwapo pa rin pagkalipas ng mahabang panahon na nawala siya sa showbiz.
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kung anuman ang kasalanan ko sa kanya o kahit na kanino, nandidito ako para humingi ng pagpapatawad. So, let's put all the issues behind us now. I'm not here para mang-intriga. Nandidito ako to start a new life," Gabby C0ncepcion apologizes to ex-wife Sharon Cuneta and to the people with whom he had issues before.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results