May pinapatutsadahan ba ang Instagram account ng Miss Universe Organization?
Ayon sa mapanuring mata ng pageant fans, tila "sosyal" na parunggit ito ng Miss Universe laban sa Miss Grand International (MGI).
Bago kasi ito ay pinuntirya ng MGI ang Miss Universe sa grand coronation night ng Thailand-based beauty pageant sa West Java, Indonesia, noong October 25, 2022.
Sa Instagram Story ng Miss Universe kagabi, October 26, nag-post ito ng screenshot sa kanilang account kung saan makikitang pumalo na sa 5 million ang followers nila.
Caption lang dito: “5 MILLION FOLLOWERS”
Kasunod nito ay ang picture ni Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu at may nakasulat dito na “MISS UNIVERSE 5M.”
Sa isa pa nitong screenshot, makikitang nasa 5.1 million na ang followers ng kanilang account.
Caption dito, “Miss Universe crosses 5 Million followers on Instagram.”
Sa mga oras na ito, 5.2 million na ang followers ng kanilang page.
Sa grand coronation ng MGI noong October 25, tila niyurakan ng nasabing beauty pageant ang Miss Universe.
Sa isang segment ng grand coronation ng pageant, pinarampa sa stage ang dating titleholders.
Sa opening logo ng nasabing segment, makikitang may isang malaking globe na graphics, sinundan ito ng dalawang capital letters na “M” at “U.”
Matapos ang ilang segundo, kunyari ay pinaputok ang letter “U” ng letter “G” sabay bagsak ng letter “I” para mabuo ang MGI o Miss Grand International.
Sabi sa caption: “10th Anniversary of Miss Grand International We have been through a lot of stories and we will continue growing and create better version of #GRAND because ‘We are GRAND the 1 and Only’ [crown emoji]
“#UniqueIndonesia #MGI #GrandExperiences #MissGrandInternational
#MissGrandInternational2022 #WeAreGRANDthe1andOnly”
Napansin naman ng netizens na tila pagkutya ito ng MGI sa Miss Universe kaya naman niresbakan nila ito.
Read: Miss Grand International gets bashed for mocking Miss Universe; loses about 2.2M Instagram followers
Ngayong araw, nasa 4.3 million na lamang ang followers ng Miss Grand International Instagram account.
Nabawasan sila ng 2.2 million followers mula sa dating 6.5 million followers bago ang pageant.
Read: Miss Grand International loses almost 2 million followers on Instagram after grand coronation