Nagsanga-sanga ang kontrobersiyang pumapalibot sa Miss Grand International 2022.
Ngayong gabi, October 28, 2022, inanunsiyo ng Miss Grand International sa Facebook page nito na nagbitiw na bilang Miss Grand International 2022 fifth runner-up si Miss Grand Mauritius Yuvna Rinishta.
Ito ay sa kabila na tatlong araw pa lamang mula nang koronahan ang mga nagwaging kandidata sa Miss Grand International 2022 coronation night, noong October 25 sa Indonesia.
Read: Brazil, kinoronahang Miss Grand International 2022; Roberta Tamondong, hanggang Top 20 lang
Sabi sa announcement, nagpagdesisyunan diumano ni Yuvna na magbitiw dahil hindi nito pinirmahan ang kontrata at hindi raw nito kayaning gampanan ang tungkulin.
Dahil dito, hindi na daw niya maaring gamitin ang titulo niyang fifth runner-up.
Nakagalay sa buong anunsiyo: “Miss Yuvna Rinishta (from Mauritius) made the decision to resign from her title due to she's not able sign the contract and complete the duty as 5th runner up.
“She can no longer use the title with immediate effects.
“The new title holder to be announced soon.”
Yuvna Rinishta's version of why she resigned
Hindi naman nagustuhan ng pamunuan ng Miss Grand Mauritius ang sinabi ng pamunuan ng Miss Grand International tungkol sa pag-resign ng kanilang kandidata.
May kontrata raw na binigay kay Yuvna, pero pinili raw nitong huwag pirmahan ito.
Hindi raw kasi naka-align ang mga paniniwala ni Yuvna sa pakikitungo ng Miss Grand International sa Miss Grand Mauiritius at sa iba pang organisasyon.
Kaya umapela ang pamunuan ng Miss Grand Mauritius na huwag magpakalat ng fake news tungkol kay Yuvna.
Buong post ng Miss Grand Mauritius, “The post being published of @missgrandinternational is not correct. Miss Grand Mauritius was given this contract to sign yet we did not agree to it and did not sign anything.
“Our Queen @yuvrnt resigned personally due to not being aligned with @missgrandinternational latest behaviour with our organisation and others. So we request @missgrandinternational to stop publishing these fake news.
“Here is the full picture of the contract without any signature of our Queen @yuvrnt”
View this post on Instagram
Ni-repost din ito ni Yuvna sa kanyang Instagram account.
View this post on Instagram
Kahapon, October 27, nagpasalamat pa si Yuvna sa pagkahirang sa kanya bilang 5th runner-up ng Miss Grand International 2022.
Bahagi ng kanyang post, “Being crowned as the 5th runner-up of @missgrandinternational still feels like a dream to me [heart emoji]”
View this post on Instagram