Emosyonal si Andrew Schimmer sa kanyang panibagong Facebook Live ngayong Sabado ng umaga, October 29, 2022.
Lumabas kasi na nagkaroon ng panibagong kumplikasyon ang kondisyon ng kanyang asawang si Jorhomy “Jho” Rovero.
Update ni Andrew sa kanyang FB Live: “Medyo malungkot lang.
“Nag-MRI [magnetic resonance imaging] test tayo kahapon [Biyernes, October 28], and then doon sa kanyang MRI nakita natin na merong bagong swelling and bleeding na nangyayari sa brain niya.
“’Tapos kahapon during the MRI test nag-arrest na naman siya.
Nagkaroon siya ng second [cardiac] arrest kahapon.”
Si Jho ay halos isang taong naka-confine sa St. Luke’s Medical Center sa Global City, Taguig City dahil sa cardiac arrest at hypoxemia.
Noong October 10, 2022, inilabas na sa ospital si Jho sa unang pagkakataon mula nang ma-confine siya at iniuwi na sa kanilang bahay.
Subalit makalipas lamang ang isang linggo, ibinalik si Jho sa intensive care unit (ICU) dahil nawalan ng malay.
Inilagay muna siya sa ICU para mag-stabilize ang heart rate nito.
Read:
- Andrew Schimmer finally brings wife home after almost year-long stay in hospital: "Today is the day."
- Andrew Schimmer clarifies “misleading” report that Coco Martin allegedly paid for his wife’s PHP6M hospital bill
- Andrew Schimmer wishes for wife Jho Rovero's recovery on her birthday
Nag-post muli ng update si Andrew noong October 22 at masayang ibinalita na nag-improve na ang kalagayan ng kanyang misis.
At ngayon ngang araw ng Sabado, muling humihingi ng dasal si Andrew para sa misis matapos lumabas ang resulta ng MRI.
LUMALABAN TALAGA SIYA
Pakiusap ni Andrew, “Hihingi po sana ako ng tulong sa inyo kasi sa mga panahon na ito, lumalaban talaga siya.
“Lumalaban po siya ulit ng sobrang grabe, kaya kagabi pa po kami nagdadasal para sa kanya.
“Right now she really needs a lot of prayer. She is really fighting for her life,” ani Andrew na biglang bumuhos ang mga luha.
Giit niya, “She’s fighting. She [is] really fighting very hard.
“So guys, please, help me pray. Help me pray she need God right now. She needs your prayer again.”
Alam daw kasi ni Andrew na kahit ang kanyang asawa ay hindi pa rin bumibitaw.
“Kasi isang taon na siyang lumalaban hindi pa rin siya nagi-give up.
“Yesterday was one of the hardest fight of her life and she’s trying to win it.
“Nakikita ko sa mata niya kagabi. I know she is asking God, I can feel it in my heart. It break me,” emosyonal na sabi ni Andrew.
Pinasalamatan ni Andrew ang kanyang supporters at muling nanawagan na ipagpatuloy ang pagdarasal para kay Jho.
