Hindi akalain ni Jonas Gaffud na mauuwi sa malagim na trahedya ang pagdiriwang ng Halloween sa Itaewon, Seoul, South Korea.
- Halloween party in Itaewon, South Korea turns into a tragedy; at least 149 died
- “Produce 101” Season 2 contestant Lee Ji Han among 154 dead in Itaewon Halloween tragedy
- Kim Atienza at team ng "Dapat Alam Mo" nasaksihan ang trahedya sa Itaewon
Si Jonas ay beauty queen maker at Miss Universe Philippines creative director.
Nagbabakasyon si Jonas sa South Korea kasama ng kanyang team, at kasama sila sa mga nagpunta sa pamosong Itaewon district para maki-costume party.
Sa salaysay ni Jonas sa TV Patrol kagabi, October 31, 2022, inilarawan nito ang nasaksihan niyang dami ng taong nagsiksikan sa Itaewon.
"Hindi namin alam na ganun yung mangyayari. Sobrang nagtutulakan yung mga tao and then nagpa-pile na.
"Kami naipit kami sa mga ambulance na nakaharang. Kung walang mga ambulance, baka nahulog na rin kami," sabi ni Jonas.

HOW JONAS & COMPANY ESCAPED THE CRUSH
Naiulat din ang Facebook post ni Jonas tungkol sa karanasan niya sa Itaewon Halloween crowd crush.
Dito ay detalyado niyang ikinuwento na walo silang magkakasamang dumalo sa selebrasyon.
"It got scary when I thought I would die during the stampede," sabi sa bahagi ng post ni Jonas.
Lubos ang pag-aalala niya dahil pilit daw silang naghawak-kamay, pero panandaliang nagkawatak-watak dahil sa dami ng tao na nagtutulukan sa may lugar kalapit ng ambulansya.
"I was holding Cheska Summer’s hand who was holding Mau De Leon. Then I lost both and I heard Cheska shouting: Mama!!!!!
"I was lost pinned against the ambulance. I did not see Vince Lenard Marcelo and Prince Argel Saycon anymore but they were struggling somewhere too.
"James Reyes Marv Ayao got separated from our group. We were actually holding each other’s hands.
"I was relying on my shield and sword. Then I heard another familiar voice calling me. It was Eljohn Mendoza. I told him: ano na gagawin natin?'"
Hanggang sa ginawan daw nila ng paraan na makalusot sa makitid na espasyo sa pagitan ng ambulansya at isang kotse.
Sinundan lang daw niya ang nakita niyang payat na babae na lumusot dun.
"Kumasya kami. I mean pang 24 inch waistline lang kasya. And if I were caught in between the cars, at tuloy ang stampede, wala na.
"Miracle talaga kumasya kami eh ang kapal ng suot ko. House of Targaryen pa kunwari ang costume ko!" sabi pa ni Jonas.
IN SHOCK OVER ITAEWON TRAGEDY
Nakita raw niyang nagkalat ang ambulansya sa lugar. Magpapalipas sana sila ng pagod sa isang club na nakita ni Jonas, pero kinalaunan ay umuwi na rin daw sila.
Pag-uwi sa tinutuluyan nila sa Korea, saka na lang daw napag-alaman ni Jonas ang trahedyang sinapit ng mga dumalo sa Itaewon Halloween.
"People were calling us if we were safe. Hindi talaga namin alam yung gravity ng situation pa rin sa sobrang dami ng tao kasi.
"Sa taxi, yun na mga news. And back in our room, now ko lang nakita yung nangyari talaga.
"That day we went to buy our costumes for Halloween, I already told the group I really don’t feel like going there as told by my friends.
"But not wanting to be the 'kj,' I said sige punta na tayo," lahad ni Jonas.
Hindi pa rin makapaniwalang dagdag niya, "I never thought it would be worse with so many people who died."
Sa huli, nagpasalamat si Jonas na ligtas siya at mga kasama sa trahedya. Nagpaabot din siya ng pakikiramay sa mga pamilya ng mga nasawi.
Ayon sa ulat ng TV Patrol, higit 150 ang nasawi sa trahedya at karamihan dito ay mga babaeng may edad 20 taong gulang pataas.
Kasama sa nasawi ang South Korean artist at dating Produce 101 Season 2 contestant na si Lee Ji Han.
