PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Korina Sanchez reacts to “orocan, tuppeware” comment of basher

Korina Sanchez sheds light on past rumor involving her and Karen Davila.
by Bernie V. Franco
Published Nov 1, 2022
Korina Sanchez Karen Davila
Korina Sanchez (left) denies past rumor that she demanded Karen Davila (right) to take off a jacket after Korina saw that they had identical outfits.
PHOTO/S: Facebook (Korina Sanchez - Roxas)

Binigyang linaw na nina Korina Sanchez at Karen Davila ang matagal nang pagtatapat sa kanila bilang top female broadcasters.

Nangyari ang paghaharap ng dalawang seasoned anchors sa lifestyle program ni Korina sa Net 25, ang Korina Interviews, na umere nitong Linggo, October 30, 2022.

Read: Korina Sanchez to Karen Davila: "Bakit sa tingin mo pinag-aaway nila tayo?"

1986 nang nagsimula si Korina sa ABS-CBN kung saan siya nakilala bilang isa sa pangunahing anchors ng network.

Taong 2000 naman nang pumasok si Karen sa ABS-CBN, at kalaunan ay siyang pumalit kay Korina sa TV Patrol bilang co-anchor.

Si Korina ay lumisan sa ABS-CBN noong 2020 matapos mawalan ng prangkisa ang dating broadcast giant.

Pero sa matagal na panahon nilang nagkasama sa ABS-CBN, hindi nagkatrabaho sina Korina at Karen kaya’t inisip ng marami na mayroon silang rivalry.

Itinanggi ito ng dalawa sa interview ni Korina kay Karen.

Isa raw sa pinanghihinayangan ni Karen ay hindi sila naging magkaibigan ni Korina noong nasa ABS-CBN pa ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Karen, “Of course, you were very busy. But I feel it was a lost opportunity for me, for both of us.”

Pagsang-ayon ni Korina, “Sobrang busy. Iba iba ang schedule natin.

“It’s not like nakakahuntahan ko nang madalas si Bernadette [Sembrano] or even Loren [Legarda]. Talagang ang nakakausap ko lang ay si Ted [Failon] kasi siya yung partner ko.”

MIXED REACTIONS

May ilang netizens na negatibo ang reaksiyon sa paghaharap nina Korina at Karen, at patuloy na iniisyu ang hindi nila pagiging malapit sa isa’t isa.

Ito ang komento ng isang netizen nang mag-post si Korina sa Instagram ukol sa interview niya kay Karen.

Sabi ng netizen (published as is): “Nagkalat ang orocan at tupperware. Totoo ba pinahubad mo ang blazer mo kay Karen ng sinuot sa Abs-cbn?”

Itinanggi ni Korina ang isyu.

Sabi niya sa netizen (published as is): “Hindi. Youre not only misinformed, youre miserable [laughing face and thumbs down emoji]”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

korina basher

korina to basher

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ibinisto pa ng netizen na narinig niya raw ito sa programa ng isang veteran entertainment showbiz columnist.

Hindi buo ang detalye, pero marahil ay isa ito sa mga lumabas na isyu noon na pinahubad umano ni Korina kay Karen ang suot nitong damit nang magkapareho sila ng damit.

Samantala, may isang netizen na humiling na ma-interview rin ni Korina ang iba pang female news anchors mula sa ibang TV network, gaya nina Mel Tiangco (GMA News) at Sheryl Cosim (News5).

Hirit pa ng netizen, sana ay kay Toni Gonzaga sila magpa-interview.

“Baka mas masaya at walang hindi magpapasapaw magkwento sa interview hehehe”

Pabirong sagot ni Korina: “demanding mo naman [laughing emoji]”

korina sanchez comment

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hiling naman ng isa pa, sana sina Ted Failon at Boy Abunda naman ang susunod na ma-interview ni Korina.

“Soon,” sagot ni Korina.

Sa kabilang banda, umani ng positibong reaksiyon sa ibang celebrities ang sit-down interview ni Korina kay Karen.

“Super idols. So happy seeing this,” ani Bianca Gonzalez.

“Exciting,” komento ni Aiko Melendez.

“Icons,” sabi naman ni Bea Alonzo.

korina sanchez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napakomento rin si Karen sa pag-guest sa kanya Korina.

Mensahe ni Karen: “Thank you for thinking of me Korina! Am honored [heart emoji I had such a wonderful time with youuuuuuu!”

Muling nagpasalamat si Karen sa isa pang post ni Korina sa kanilang video: “Thaaaaank you K! Love this photo [heart emoji”

Reply ni Korina: “@iamkarendavila Palakpakan [clapping hands emojis]”

karen davila comment

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

korina sanchez karen davila comment

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Korina Sanchez (left) denies past rumor that she demanded Karen Davila (right) to take off a jacket after Korina saw that they had identical outfits.
PHOTO/S: Facebook (Korina Sanchez - Roxas)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results