Humingi ng paumanhin si Martin del Rosario at nagpaliwanag na hindi sinasadya ang napili niyang Halloween outfit.
Pinili ng Kapuso actor na magbihis bilang si Jeffrey Dahmer, ang real-life American serial killer, sa Halloween party ng kanyang pamilya.
Nang i-post ni Martin ang mga larawan niya bilang Jeffrey Dahmer ay nakatanggap siya ng batikos mula sa netizens.
Si Dahmer ay pumatay ng tinatayang 17 kalalakihan na ginawa sa karumal-dumal na paraan, gaya ng pagpuputol-putol sa katawan ng mga biktima.
Inamin din ni Dahmer na kinain niya ang ilang bahagi ng katawan ng kanyang mga biktima.
Nangyari ang kanyang mga krimen sa iba’t ibang panahon mula 1978 hanggang 1991.
Namatay si Dahmer noong 1994 sa bayolenteng paraan sa kamay ng kapwa inmate.
Ang kuwento ni Dahmer ay isinalaysay rin sa isang bagong series sa Netflix. Ilang beses na ring naisapelikula ang kanyang kuwento.
MARTIN POSTS APOLOGY
Isang apology ang ipinost ni Martin sa Instagram Story nitong November 1, 2022.
Nakasaad dito: “I sincerely apologize if I offended some of you with my Halloween costume.
“I did not intend to create buzz for my personal gain nor exude that attitude of indifference towards the victims of the character I wore.
“My intention was to celebrate Halloween in a simple costume during an intimate party with family.
"If I have hurt anybody or have become insensitive, I sincerely apologize.
"Please trust that it was nothing intentional.
"It was just for the spirit of Halloween.
"Happy All Saints Day!"

DELETED POSTS AFTER BACKLASH
Noong October 31, 2022, nag-post sa Instagram Story si Martin na naka-outfit ng Jeffrey Dahmer.
Ipinost din ito ng kanyang tita, ang GMA News anchor na si Connie Sison, at lumalabas na nagkaroon sila ng Halloween familly celebration.
Pero hindi nagtagal ay binura nina Martin at Connie ang kanilang posts.

Subalit na-screenshot na ito ng ilang netizens at ni-repost sa Twitter.
Tinawag ng netizens na “insensitive” ang costume ni Martin, lalo na para sa mga naiwan ng mga biktima.
Tweet ng isa: “Martin Del Rosario thinks he’s cool dressing as Jeffrey Dahmer, go act like a dumb insensitive human being!”
Katuwiran naman ng isa (published as is), “Naaawa na lng ako sa mga tangang nagtatanggol kay Martin del Rosario for dressing up as Jeffrey Dahmer.
“This is not about being ‘woke.’ It’s about not glorifying serial killers. Gets ba?”
“The fact that you people think it is hilarious to portray him as a funny or entertaining character is actually very sick,” puna ng isa pa.


MARTIN DEFENDED BY OTHERS
Ang iba naman, dinepensahan pa si Martin sa kanyang napiling costume.
Isa na rito si Neil Arce, asawa ni Angel Locsin.
Sang-ayon si Neil na maling piliin ang isang serial killer bilang Halloween costume, pero “OA” daw o over-reacting ang reaction ng ibang netizens.
“It’s funny how I see people making a big deal of people dressing up as Dahmer for Halloween yet no one reacts when someone dresses up as the devil.
“I’m not saying tama mag dress up as Dahmer kasi Mali naman talaga pero yung reaction ng mga tao halatang papansin na eh.
Katuwiran ni Neil, “Pag mag costume ka ng Dahmer Napaka Sama mong tao. Però pag binihisan Yung bata ng devil ‘ang cute cute’.
“At the end of the day if you want to show you are a moral person. 10 commandments ang Sundan natin huwag kung Ano uso sa social media.”

Mayroong ding supporters ni Martin ang nangatuwiran na binabatikos ang aktor pero hindi ang nagdadamit ng devil.
Pero giit ng mga kritiko, totoong tao at totoong gumawa ng mga karumal-dumal na krimen ang ginaya ni Martin.

