Ibinahagi ng isang babae sa TikTok ang video ng kanyang naging conversation sa human resources ng kumpanyang kanyang papasukan sa U.S.
Naging viral ito dahil natalakay ang mga isyu sa onboarding sa mga bagong trabaho ngayon lalo na kung online ang nature ng work.
Ang story ay na-publish sa Daily Dot noong October 17, 2022.

Sa isang screenshot ay mababasa ang overlay text sa video na: “Real onboarding conversations, part three.”
Sa video ay nagtanong ang babae tungkol sa laptop na ipagagamit sa kanya ng kumpanyang kanyang papasukan, at kung anu-ano ang mga proseso para makuha niya ang equipment.
Sinabi sa kanya ng kausap na aabutin ng 30 to 45 days after ng kanyang start date bago pa niya matanggap ang laptop.
Tanong niya sa kausap, “Uh, can I get a loaner?”
Ang sagot sa kanya ay hindi ito maipapangako sa ngayon ng kumpanya dahil kulang sa pondo.
Sa puntong iyon ay naglagay ang babae ng face-palm emoji para ipakita ang kanyang pagkadismaya.

Tanong niya sa kausap, “Oh, so you need me to access my personal computer to take care of the stuff for work?”
Tumingin din siya sa camera na dismayado pa rin matapos kumpirmahin ng kausap na ganoon na nga ang mangyayari.
Sa comments section ay maraming TikTok users ang nagbahagi ng katulad na karanasan.
Ayon sa isa, kung siya ang nasa sitwasyon ng babae, “Guess my start date is pushed back 30-45 days.”
Patungkol ito sa binanggit ng kausap ng babae na tagal ng araw bago niya makuha ang laptop na ipagagamit sa kanya ng kumpanya.
Matigas naman ang paninindigan ng isang TikTok user na nagsabing, “I don’t use my own equipment without compensation, and even then I prefer not to. I don’t even use my phone. If I have to make calls, I get a work phone.”
Nag-agree rito ang babaeng nag-upload ng video.
Paliwanag naman ng isang nag-comment, “Ugh. So a majority of this falls back on HR not giving IT the potential candidates list before the start date.”
Ayon sa artikulo, batay sa pangyayaring ito at mga katulad na insidente, “Onboarding with some of these jobs will have you questioning life.”
Abg buod ng Tiktok video: Huwag gamitin ang personal na gamit para sa kumpanya.
Ke sa first-world country ito na gaya ng U.S. o third-world country na gaya ng Pilipinas, obligasyon ng employer na mag-provide ng work tools na kailangan ng employee para makapagtrabaho nang maayos.
Nito ngang pandemya, nagkaroon ng budget ang Department of Education para sa makabili ng entry-level laptops para sa public school teachers dahil sa blended learning set-up.
Pero ang pagkakaroon ng mobile devices ay depende sa industriya. Mas preferred ng ilang employers na magbigay ng communication allowance.
