Ibinahagi ng singer at aktor na si Jace Roque na isa sa malaking pagsubok sa buhay niya ay ang pagtutol ng kanyang mga magulang na pumasok siya sa showbiz.
Parehong certified accountants ang mga magulang ni Jace, at tingin nila noon ay walang mapapala si Jace sa pangarap nitong maging singer.
Ayon kay Jace, ayaw ng mga magulang niyang magaya siya sa kanyang tiyuhin na si Boy Roque.
Si Boy Roque ay napanood bilang character actor sa mga Kapuso prime-time series na My Love From The Star at Victor Magtanggol. Naging stuntmant at fight director din siya sa Kapamilya prime-time series na FPJ's Ang Probinsyano at The General's Daughter.
"Yung tito ko was an '80s action star. Nakita ng parents ko kung paano nahirapan si Tito Boy, and ayaw nilang ma-experience ko yun.
"Known si Tito Boy sa action films nung '80s. Hindi constant yung trabaho, hindi mo alam kung kailan ka matetengga. He passed away nung 2019," lahad ni Jace sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), via Zoom, noong October 26, 2022.
Bagamat nagtapos siya ng kursong Hotel and Restaurant Management sa La Salle College of St. Benilde, hindi naranasan ni Jace na magtrabaho sa kursong natapos.
Aniya, "After graduation, diretso na ako sa showbiz. Ang istorya nun kasi dapat music production ang ite-take ko.
"Pero sinabihan nila [parents] ako na, 'Pag nag-music production ka, hindi namin babayaran ang tuition mo.' Isa iyan sa naging obstacles ko before."
Ang kawalan ng financial stability sa pag-aartista ang labis na inayawan ng magulang ni Jace.
Saad niya, "Gusto kasi nila continuously nag-e-earn ka for your future. Kasi, di ba, sa showbiz lulubog, lilitaw ang projects.
"Pero sabi ko, before naman ako pumasok ng showbiz, naintindihan ko yung risks na kailangang gawin. Bago pa ako pumasok pinaintindi na sa akin ang mga mangyayari."
Pero nagpursige si Jace na pasukin ang showbiz.
Noong una, kinukumbinse pa raw siya ng mga magulang na maghanap ng "totoong trabaho."
Hindi raw niya maiwasang ma-offend noon dahil "sa akin kasi totoong trabaho itong showbiz, e."
Ngayon ay 14 years na sa showbiz si Jace, at limang taon doon ay ginugol niya sa pagiging singer.
Nagpapasalamat siya dahil kinalaunan ay natanggap din ng pamilya niya ang kanyang napiling karera.
Ayon kay Jace, ikinampanya pa siya ng mga magulang na iboto sa text votes para sa Awit Awards kung saan nominado si Jace sa kategoryang People's Voice Favorite Male Artist.
- Mikee Cojuangco recounts scolding two actors who fought over her: “Alam niyo, istorbo kayo.”
- Nick Carter mourns death of brother Aaron; Backstreet Boys pay tribute to "little brother"
- Macky Mathay still longs for "sunshine" amid rumored breakup with Sunshine Cruz
- Jaclyn Jose alludes to tampuhan with daughter Andi Eigenmann
ON JACE'S favorite OPM singers
Ilan sa mga itinuturing ni Jace na idols niya sa OPM scene ay sina James Reid, Sam Concepcion, at Gary Valenciano.
"Aside from similar na puro upbeat songs yung ginagawa namin, mas lalo na si James Reid ngayon, sila yung mga singers na nagpu-push talaga ng originals.
"Since I started in the recording industry, talagang nag-stick ako na lahat originals, walang covers.
"Nakikita ko naman ang fruits of my labor, puro originals ang nire-release ko na tinatangkilik ng mga tao.
"Ine-encourage ko rin sa mga bagong artists na sana, as much as possible, puro originals."
Sabi pa ni Jace, "Ang isa sa pinaka-goal ko talaga ay i-prove na hindi mo kailangang sumali ng reality shows or talent competitions para maging successful.
"Na basta through hard work and perseverance, magkakaroon ka ng puwesto sa showbiz."
Ilan sa mga Kapamilya serye kung saan lumabas si Jace noong 2015: Ningning, Inday Bote, at And I Love You So. Lumabas din siya sa Kapuso serye na Teen Gen noong 2012.
ON JACE'S NEW SINGLE
Sa ngayon, may bagong release na single si Jace na "Back To The Beginning" mula sa mini-album na Inferno.
"It's about sa struggles ko when growing up. Siyempre maraming demands and expectations ang parents ko na minsan nakakaapekto na siya sa akin. Dito ko dini-discuss yung pressure na yun na parang, 'Nothing I ever do is good enough?'"
Banggit pa ni Jace, "Na-nominate ako sa Awit Awards for Favorite Male Artist and mayroon din akong nominationsa P-Pop award na New Male Artist.
"Very happy ako na finally nare-recognize na ako in this industry kasi nung nagsimula naman ako sa showbiz, di ko habol ang fame. Ang habol ko ay ma-notice ang body of works ko."
Sapat na raw sa kanya kahit nominasyon lang ang matanggap niya mula sa isang award-giving body..
"And finally, after five years in the recording industry, may nominations na. I'm very happy na ma-nominate lang, panalo na sa akin yun. Bonus na lang kung manalo ako sa categories.
"Mas inspiring, kasi nung nalaman ko yung nomination naiyak ako, mas na-inspire pa ako to work harder.
"Yun naman talaga ang gusto ko, yung mag-iwan ng marka, dahil may malaki akong relatives sa industry, and gusto kong mag-iwan ako ng sarili ko ring pangalan," pahayag ni Jace.
