PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Elijah Canlas, mas gustong mag-frontal nudity kesa butt exposure

Elijah, malapit nang gampanan ang kanyang dream role
by Jerry Olea
Published Nov 5, 2022
Elijah Canlas
Bakit nga ba mas type pa mag-frontal nudity kesa mag-butt exposure ng Livescream lead actor na si Elijah Canlas? Meron ba siyang ipinagmamalaki?
PHOTO/S: Elijah Canlas Facebook page

Ipinagpaalam daw ni Elijah Canlas sa kanyang mga magulang ang butt exposure niya sa pelikulang Livescream.

“Yung dad ko, wala naman. Mas yung mom ko ang concerned,” sambit ni Elijah bago ang private screening ng horror thriller noong Biyernes ng gabi, Nobyembre 4, sa Sine Pop, Cubao, Quezon City.

“Siyempre, nagpaalam sa girlfriend. Ganun lang.”

Walang violent reaction ang jowa niyang si Miles Ocampo?

“May reaction lang po, pero hindi naman po violent. May ganyan po siya pero supportive naman po, of course,” pagngiti ng 22-anyos na aktor.

“Kahit ako naman, nagtanong ako kay Direk Perci [Intalan] kung hanggang saan po ba talaga yung kailangan.”

Co-stars ni Elijah sa Livescream sina Phoebe Walker at Kat Dovey. Bakit hindi si Miles ang kinuha ni Direk Perci para makasama niya sa movie?

“May ginagawa po yata si Miles nung time na yun and also, iba po yung look na hinihingi ng movie,” tugon ng premyadong aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ELIJAH, BAKIT HESITANT SA BUTT EXPOSURE?

May hininging deal si Elijah kay Direk Perci kaugnay sa pagbubuyangyang niya ng wetpaks.

“Si Direk Perci, may pa-storyboard. First time ko to work with a director na may storyboard for the whole film,” salaysay ni Elijah.

“Sinend na niya po yun sa akin before we started shooting last February. May disclaimer na po siya bago pa niya sinend.

“So hinanap ko po yung mga frame sa storyboard na yun. 'Tapos, nakita ko nga na may pa-exposure. Kasi, nabasa ko na po yung script at this point.

“Sabi ko, ‘Direk, kailangan po ba talaga?’ ganyan. 'Tapos, siyempre, Direk Perci being the smart guy that he is, na very valid yung thesis defense niya.

“Napaamin tuloy ako. Kasi meron akong itinatagong sekreto sa mga tao. Sabi ko, ‘Direk, puwede frontal na lang?’

“'Tapos, sabi niya, ‘Bakit frontal? Mas malala iyan,’ ganyan-ganyan. Sabi ko, ‘Direk, eto kasi… may balat ako sa puwet.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mas gusto ko na lang mag-frontal kaysa ipakita yung butt exposure.”

Nilinaw ni Elijah na kahit may ganun siyang birthmark siya sa puwet ay hindi siya malas.

Pagmumuwestra ni Elijah sa kanyang bisig, “May birthmark din po ako dito. 'Tapos, madalas sa shoot, napapansin ng mga direktor. Akala nila, dumi.

“Actually, walang nakakaalala lagi. Kahit mga paulit-ulit ko na pong nakaka-work, bigla na lang sasabihin, ‘Ano iyan?!’

“Isang beses nagalit pa si Direk Ivan Payawal, I remember. Sinigawan niya yung make-up. ‘Make-up!!! Ano iyang dumi sa kamay ni Elijah?’ May napagalitan tuloy sa birthmark ko.

“Kaya medyo naging insecure na ako sa birthmarks ever and ito, itinatago ko nga ito. Pero hindi naman siya nakita sa screen.”

Nilagyan ng concealer ang birthmark ni Elijah sa puwet, at nag-look test pa para ma-check ni Direk Perci.

“Praning lang po talaga ako. Mineyk-apan naman po siya. Pero yun nga at the end of the day, kahit hindi naman sobrang kapal ng make-up, hindi naman pala siya kita,” saad ni Elijah.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kasi magaling si Direk Perci siyempre. Magaling ang cinematographer namin.”

ELIJAH, READY MAG-FRONTAL NUDITY

Noon pa man ay handa nang mag-frontal si Elijah, kahit sa Kalel, 15 (2019) na nagpanalo sa kanya bilang Best Actor sa Gawad Urian, FAMAS, Asian Film Festival, at Asian Film Festival Rome.

“Sinasabi ko naman, ready ako. Naalala ko, noong nag-advance screening ng Kalel, 15, nandoon ang magulang ko nang sinabi ko yun,” pagtatapat ni Elijah.

“Napa-sorry na lang ako. ‘Sorry, ma. Sorry, dad.’ Pero siyempre nung time po na yun, yung Kalel, nung ikuwento pa lang siya sa akin, akala ko po ganun yung hihingin.

“Kasi very sensitive ang topic, HIV. But nung nabasa ko po yung script, wala naman. So, thankful for that.

“Maano naman po akong artista, madali naman po akong makausap. Basta kailangan talaga sa story, and yun nga, dapat ganun kaganda yung thesis defense sa akin.

“Dapat kasing galing ni Direk Perci na mag-explain.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

So, isa yun sa aabangan sa kanya in the future, yung pagpo-frontal?

“Marami pa po akong puwedeng magawa. Kasi, may unlimited range of roles naman po,” sabi ni Elijah.

“Actually, yung palagi kong sinasabi na dream role ko, magagawa ko na siya soon. Mag-i-start na kaming mag-shoot ng movie late November.

“Ang role ko, mentally disabled. Super-challenging po yun for me. Dream ko yun, and magagawa ko na siya finally.

“Nagpe-prepare na po ako ngayon ng autism orientation, ganyan. Piano classes. Super-exciting talaga!”

ELIJAH EXCITED ABOUT MOVIE'S WORLD PREMIERE

Dahil sa shooting ng bagong movie ay hindi makakabalik si Elijah sa 2022 Tallinn Black Nights Film Festival (Nobyembre 11-27) sa Estonia.

Magwo-world premiere doon ang pelikula nila ni Romnick Sarmenta na About Us But Not About Us, directed by Jun Lana.

“Ang alam ko, November 20 yata yung sa Tallinn. Well, I’m really excited to see that one. Gusto ko na pong makita na rin,” pagbuntong-hininga ni Elijah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakakainggit nga si Teri Malvar, pupunta roon as jury. Sa akin siya nagtatanong kung saan ako kumuha ng visa last time, ganyan. Kung sasama rin ba ako.”

May natitirang one day taping pa si Elijah para sa TV5 movie-serye nila ni Aga Muhlach na Suntok Sa Buwan.

“Kaya ganito pa rin po ang buhok ko. Gusto ko na nga pong mag-iba ng kulay pero may one day pa po kami!” bulalas ni Elijah.

“Dapat po last week yung last taping day namin. Kaso nagbagyo, e. Ngayon, nagkagulu-gulo na po ang schedules ng lahat.

“Nakita ko po yung ibang kasama namin sa Suntok sa Buwan, nag-Thailand, nag-States. Nagyayaya.”

Sa Nobyembre 9, Miyerkules mag-uumpisa ang streaming ng Livescream sa Vivamax Plus.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bakit nga ba mas type pa mag-frontal nudity kesa mag-butt exposure ng Livescream lead actor na si Elijah Canlas? Meron ba siyang ipinagmamalaki?
PHOTO/S: Elijah Canlas Facebook page
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results