Nag-celebrate ng kanyang 58th birthday ang aktor na si Gabby Concepcion last November 5, 2022.
Nag-post ang kanyang anak na si KC Concepcion ng kanilang throwback photo ngayong Linggo, November 6, at nag-greet sa kanyang ama.
Sa larawan ay baby pa si KC, at nasa isang beach ang mag-ama.

Ang caption ng dalaga sa photo: "To the most gorgeous man in my life! Happy birthday to my popps, the first man I ever loved. Your unconditional love brings me so much comfort and I’m sooo grateful for what we have today.
“I love you, Gabby Concepcion.”
Bukod sa pag-wish niya ng happy birthday sa ama, sinabi ni KC na umaasa siyang marami pa silang pagsasaluhang masasayang alaala.
“To many more of these beautiful memories we’ve made and continue to make together. You inspire me to keep calm and live life to the fullest! Happy, happy birthday!!!"
Nag-reply naman si Gabby ng: “[heart emoji] you my baby.”

Ni-like at pinusuan ng netizens ang post ni KC.
Marami rin sa netizens ang nagsabing batay sa naka-post na photo at hanggang ngayon ay guwapo pa rin si Gabo.
Nagpahatid din sila ng paghanga sa mag-ama na sa kabila ng kanilang sitwasyon ay hindi sila nag-away o nagkatampuhan sa social media.
