PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Will Meryll Soriano join her dad Willie Revillame in ALLTV?

"Wala akong [pinipili] kasi ako gusto ko lang mag-work."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Nov 7, 2022
Meryll Soriano transfer to ALLTV
Does Meryll Soriano want to have a show in ALLTV?: "Show, siyempre gusto ko. Kapag mayroon nang opportunity, I think wala pa silang masyadong...in-works pa lahat...If ever man na mangyari iyon gusto ko 100 percent [ready] na ako."
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon

Wala pa raw plano si Meryll Soriano na maging parte ng ALLTV kung saan may mahalagang posisyon ang kanyang ama na si Willie Revillame.

Si Meryll ay anak ni Willie kay Bec-Bec Soriano, kapatid ng Diamond Star na si Maricel Soriano.

Ayon kay Meryll, abala at marami pa siyang gustong gawin. Naniniwala siyang darating din ang tamang panahon kung sakali mang samahan niya ang ama sa kinabibilangan nitong network.

Ito ang ibinahagi ng aktres nang makapanayam siya ng press sa media launch ng upcoming series ng ABS-CBN na The Iron Heart noong November 5, 2022, sa Dolphy Theater.

Dahil malaking papel ang ginagampanan ni Willie sa pagpapatakbo ng ALLTV, hindi naiwasang tanungin si Meryll kung inalok na ba siya ng kanyang ama para sa isang show o posisyon sa bagong network na kinabibilangan nito ngayon.

Read: AMBS President Maribeth Tolentino, nilinaw ang papel ni Willie Revillame sa ALLTV

Matipid niyang sagot, "Alam niyo, all in good time."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa rin daw nila ito napag-uusapan dahil hindi pa naman daw siya handa.

"Hindi pa ako ready. I thinks it's more of naghihintayan kaming dalawa," sabi ni Meryll.

Pero kung sakali, gusto niyang magkaroon ng show sa ALLTV kung mabibigyan ng pagkakataon.

Read: Willie Revillame to celebrities sending feelers about joining ALLTV: “We will have a meeting with you.”

Aniya, "Show, siyempre gusto ko.

"Kapag mayroon nang opportunity, I think wala pa silang masyadong... in the works pa lahat. Pero siyempre, gusto ko.

"Pero posisyon, all in good time. Marami pa akong gustong gawin.

"If ever man na mangyari iyon, gusto ko 100 percent [ready] na ako.

"But right now, marami pa akong ibang mga pangarap, gustong gawin, bata pa si Gido.

"I know na naiintindihan naman iyon ng tatay ko.

"Pero if ever it happens, wala rin naman akong [problema]."

Ang "Gido" na tinutukoy ni Meryll ay ang anak nila ng kanyang partner na si Joem Bascon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon pa kay Meryll, handa niyang tanggapin kung ano man ang ibigay sa kanya.

"Wala akong [pinipili] kasi ako gusto ko lang mag-work.

"Hindi ako nag-work ng three years, siyempre gusto ko ngayon kumayod.

"So, kung ano yung nandiyan sa harapan, go."

ENJOYING PRIVATE LIFE

Masaya at ine-enjoy raw ngayon ni Meryll ang pribadong buhay niya kasama si Joem, ang kanilang anak na si Gido, at ang panganay niyang si Elijah.

Si Elijah,15, ay anak ni Meryll sa aktor at ex-husband niyang si Bernard Palanca.

Saad ng aktres, "Tahimik naman ang buhay namin. I think the quiet life na mayroon kami is really important.

"Kasi wala kang distraction. So, we really keep our private life private. We really enjoyed that."

Sa kabila ng pagiging busy nila ni Joem sa pag-aalaga sa kanilang mga anak, hindi rin daw nila nakakalimutang mag-date at bigyan ng oras ang isa’t isa.

Kuwento ni Meryll, "Yung pagmamahal namin sa isa't isa [Joem] and then yung pagmamahal namin sa mga anak namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Dapat hindi mo rin kinakalimutan yung partner mo kaya lagi kaming nagde-date.

"Kailangan namin yun, makatakas man lang anak naming super likot. Kailangan naming mag-date, mag-dinner, o mag-coffee kasi siguro kung hindi namin gagawin yun mababaliw kami."

Read: Joem Bascon hindi gaanong naramdaman ang pandemic dahil sa baby nila ni Meryll Soriano

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Does Meryll Soriano want to have a show in ALLTV?: "Show, siyempre gusto ko. Kapag mayroon nang opportunity, I think wala pa silang masyadong...in-works pa lahat...If ever man na mangyari iyon gusto ko 100 percent [ready] na ako."
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results