May regular show na sa ABS-CBN ang newcomer na si Niña Jose, ang Pinoy Big Brother (PBB) Teen Edition Season 1 ex-housemate. Kasama siya sa cast ng local version ng sisimulan pa lang na My Girl, kung saan gagampanan niya ang papel ng isang dalaga na ipinagpalit ang boyfriend sa ambisyong maging beauty queen.
Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na hindi handpicked sa role na Annika si Niña. Pinag-audition siya para tingnan kung may rapport at chemistry sila ng male lead ng My Girl na si Gerald Anderson. Tuwang-tuwa ang mga nag-conduct ng audition dahil kinakitaan agad ng chemistry ang dalawa, kaya kay Niña na ibinigay ang isa sa important roles sa naturang serye.
Ayon sa source ng PEP, bukod sa pagkakaroon ng regular show, isa pang ikinatutuwa ni Niña sa pagkakasama sa My Girl ay ang chance na muling makasama sina Gerald at Kim Chiu na ka-batch niya sa PBBTeen Edition 1.
Wala pang sinasabi ang ABS-CBN kung kailan ang airing ng My Girl, pero sa April 14 na ang simula ng taping nito. Sina Eric Salud at Trina Dayrit ang magtutulong sa pagdidirehe nito.
Nag-workshop na rin ang buong cast under Direk Rahyan Carlos at kanina, April 1, ginawa ang pictorial.
Nalaman din ng PEP na sa last week na ng April sisimulan ang first sa eighth-picture contract ni Niña sa Regal Entertainment. Ngunit taliwas sa unang report na My Sweet Papa ang gagawin niya, ang Bad Girls na ang kanyang pagbibidahan, to be directed by Joel Lamangan mula sa script ni Roy Iglesias.
Under negotiation pa ang mga artistang makakasama ni Niña sa pelikula, pati na kung sino ang kanyang makakapareha.
Hindi mahihirapan sina Direk Joel at ang manager ni Niña na si
Manny Valera na kumbinsihing magpa-sexy sa pelikula ang dalaga dahil desidido
na itong magpaka-daring. Sinimulan nga niya ito nang lumabas sa March 2008 cover
ng FHM, kasama si Hazel Ann Mendoza.