"I did it! We did it!"
Ito ang mga katagang binitawan ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach nang kanyang makamit ang isa sa matagal na niyang pinapangarap—ang makasali sa New York City Marathon.
Isa si Pia sa libu-libong kalahok sa ginanap na New York City (NYC) Marathon noong Linggo, November 6, 2022 (Lunes, November 7, sa Pilipinas).
Ngayong taon lang sumali si Pia kaya naman halu-halong emosyon ang kanyang naramdaman.
Sa isang mahabang Instagram post nitong Lunes, November 7, hindi napigilang maging emosyunal ni Pia nang ibahagi ang kabuuang karanasan sa itinuturing niyang "best run of her life."
Kalakip nito ang mga litrato niyang mangiyak-ngiyak habang hawak ang natanggap na medalya.
Caption niya (published as is), "The NYC Marathon wasn’t a race, it was an experience.
"A life lesson. Probably the best run of my life.
"I saw and felt so much. I AM SO HAPPY [cry emoji] and grateful, inspired, humbled, and emotional…lahat na!"
Noong June 2022 nang unang ibahagi ni Pia ang kanyang seryosong pagsabak sa running lifestyle kaya naman fulfilled promise para sa sarili ang pagiging finisher niya.
Saad niya, "This medal represents how important it is that we keep the promises we make to ourselves.
"To me, it was running because I wanted a new challenge, a new discipline — to be healthier & to step out of my comfort zone, to see how far I can go.
"I knew it would take time and dedication to achieve it but I wanted to stick to that promise no matter where life or work pulled me.
"Over the years, I got used to being at the service of others and most of my decisions revolved around work or pleasing others.
"This time, I stuck by running a marathon for me. This was my way of taking care of myself.
"And now, it has enriched my life so much because it has put me in a better place, so I feel recharged & energized to be of service to others."
Pinasalamatan din ni Pia ang mga taong naniwala at nasa likod ng kanyang tagumpay.
"Thank you to my family & friends who tracked me & cheered for me. Especially for patiently waiting long hours as I trained everyday.
"My love @jeremyjauncey & @sarahwurtzbach @anellecharity @carlalizardo_ @bianca.guidotti @loveyourself.ph @doctress_vinn @riabrines @bessiebesana.
"And of course my coach! He’s the best! Gabb @gabbrosario thank you for pushing me and preparing me for this day! Sobrang patient niya sakin at sa progress ko.
"I’m grateful for all the support and cheering on ground and online. I saw your signages, your messages, and posts — kahit sobra yung kaba ko and yung pagod 5 hours in, lumalakas loob ko [pray emoji]."
Dagdag pa niya, "Pwede ko na ring sabihin ngayon: Pia Alonzo Wurtzbach from the Philippines, proudly a NYC marathon finisher [blue heart emoji].
"THANK YOU MY LOVE"
Labis ding pinasalamatan ni Pia ang kanyang nobyo na si Jeremy Jauncey na aniya'y nakasuporta sa kanya simula't sapul.
Read: Pia Wurtzbach, suportado ni Jeremy Jauncey ang pagtakbo sa New York Marathon
Ni-repost ng beauty queen-actress ang naunang Instagram post ni Jeremy na ipinagmalaki siya dahil sa kanyang nakamit.
Mababasang caption sa Instagram Stories ni Pia: "Thank you my love @jeremyjauncey for supporting me since day 1! And being so patient with all the looong runs I had to do. AND my emotional ups and downs during training. I'm very hard on myself so I get really down when I miss target goals and Jeremy helped me through so much of it."
Samantala, maliban sa kanyang nobyo, proud din kay Pia ang ilang kapwa beauty queens at celebrity na nagpaabot ng pagbati sa pinakabago niyang achievement.