Nagbigay ng pahiwatig si Dimples Romana kung ano ang pinagtutuunan ngayon ng pansin ng kanyang matalik na kaibigan na si Angel Locsin.
Marami kasing naghahanap kay Angel, na tatlong buwan na ang nakalilipas mula nang huli siyang magparamdam sa social media.
Dahil dito, naging palaisipan sa kanyang mga tagasuporta kung nasaan na ang actress-philanthropist.
Read: Netizens ask: Where is Angel Locsin?
Ang iba nagkaroon pa ng haka-hakang buntis umano ang aktres o kaya ay nagkakaroon umano sila ng problema ng asawang si Neil Arce.
“Lahat naman tayo, di ba, meron tayong mga moments, of course, you know, we want to… paano ba?” may pag-aatubiling pahayag ni Dimples sa press conference ng Iron Heart noong November 5, 2022.
Pagpapatuloy niya, “Ako kasi, may mga moments akong ganyan, e, sa pamilya ko, na I just want to be able to focus on my family first, all my loved ones.
“And I think Gel naman super earned that kind that of ano, ‘no…
“Kasi we’ve seen her and she has been non-stop working ever since.”
Tiwala rin daw si Dimples na alam ng kaibigang si Angel kung ano ang mas makabubuti sa kanya at sa mga mahal niya sa buhay.
Nalalapit na raw ang birthday ni Dimples at umaasa siyang makaririnig mula kay Angel.
DIMPLES ON UPDATE WITH ANGEL
Ibinahagi naman ni Dimples ang huling pagkikita nila ni Angel.
“I think the last time I got to visit her of few months ago, because I was in the area.
“My son [Alonso] goes to school around her area, so we had lunch together, and yun…
“That was the last time I saw her.
"And she would always message me naman and I would always call her.
“Very random naman kaming magkaibigan so ang pagkakaibigan namin hindi pagkakaibigang parang pang-artista, pang-normal na tao siya.”
Giit muli ni Dimples sa pananahimik ni Angel, “Ibigay na natin yung privacy na iyon.
“Ibigay na natin sa kanya. I think na-earn naman ni Gel yung ganoong luxury of time and privacy with Neil.”
Sinabi rin ni Dimples na nagkakaroon sila ng komunikasyon ni Neil, na ninong ng bunsong anak ni Dimples na si Elio.
Giit muli niya, “[If] for anything, we should give Gel that time [for] herself.
“Yung kay Gel, napansin mo talaga kasi sanay tayong lagi natin siyang nakikita. Pero si Gel din kasi, as you know, is a very private person…
“When it comes to Gel, let’s give her the privacy because Lord knows she earned that for herself.
“I’m so happy that she gets the time for herself and for her family this time. Lalo sila ni Neil.”
Samantala, tugma ang pahayag ni Dimples sa mga ibinalita ni Ogie Diaz sa kanyang vlog noong November 5, 2022.
Sabi ni Ogie, “Si Angel Locsin ay nananahimik muna, nagpahinga for a while sa social media.
“Wala ring hiwalayang nagaganap sa pagitan nila ng asawa niyang si Neil Arce.”
Dagdag niya, kasama pa ngayon ni Angel sa bahay ang ama nitong si Angel Colmenares, 94, para maalagaan.
Hindi pa rin daw buntis si Angel at hindi totoong lilipat ng network.
