Dinepensahan ni Angeline Quinto ang fiancé na si Nonrev Daquina sa paratang ng iba na ang singer ang solong bumubuhay sa kanilang pamilya.
Si Angeline ay sikat na singer ng Kapamilya Network, habang si Nonrev ay dating casino dealer.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angeline sa presscon ng Dream Maker na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, Miyerkules ng gabi, November 9, 2022.
Sinabi ni Angeline na hindi siya naaapektuhan sa opinyon ng ibang tao, lalo pa't mas tutok sila ni Nonrev sa pag-aalaga sa anak nilang si Baby Sylvio.
Saad niya, "Ang dami kong nababasang ganun. Well, si Non naman, pag talagang nakakita kami ng ganun, talagang tinatawanan na lang namin.
"Alam naman namin na kaming dalawa yung nagkakaintindihan. Kaming dalawa yung pupuno kung anuman yung pangangailangan ni Sylvio."
Hindi raw tamang sabihin na siya lang ang nagtutustos sa pinansiyal na pangangailangan ng pamilya nila ni Nonrev.
"Saka mayroon naman siyang maliit na business. Ngayon nasa insurance sales siya. Yung ibang business niya naman, kung kaya kong suportahan, susuportahan ko naman siya."
- Angeline Quinto open to meeting 3 kids of partner Nonrev Dauina
- Angeline Quinto quashes talks her boyfriend only wants her money
- Angeline Quinto owns petty quarrels with live-in boyfriend
ON WEDDING PLANS
Naganap ang engagement nina Nonrev at Angeline nung September 25, 2022.
Read: Angeline Quinto confirms engagement to live-in partner
Tinanong ng PEP.ph ang singer kung napag-uusapan na ba nila ng fiancé ang mga detalye ng kanilang kasal.
"Wala pa naman, pero napag-uusapan namin ng partner ko. Ise-share ko naman sa lahat yun kapag mayroon na kaming eksaktong date or taon," sagot ni Angeline.
Ayon kay Angeline, nahanap na niya kay Nonrev ang taong nais niyang makasama habambuhay.
"Oo naman, lagi namang nandun, hindi nawawala yung kilig. Siyempre lahat ng nangyayari sa buhay ko ngayon, talagang masaya.
"Masayang-masaya ako. Kung anuman ang nangyayari sa buhay ko, lagi kong ipinagpapasalamat sa Diyos," saad ni Angeline.
Na-link dati si Angeline sa kapwa singer na si Erik Santos, pero hindi nauwi sa romantic relationship ang pagiging malapit nila.
Para kay Angeline, mas gusto niya talagang hindi taga-showbiz ang mapangasawa.
"Oo naman, ever since naman. Parang pag non-showbiz kasi, parang siyempre iba kami ng mundo.
"Kasi kapag sa showbiz, ewan ko, baka pati yung feelings maging showbiz na rin. Ayoko ng ganun," sabi niya.
INSPIRATION FROM BABY SYLVIO
Bilang isang ina, aminado si Angeline na ang pagkakaroon ng anak ang nagbigay ng higit na inspirasyon sa kanya para mas magsikap sa buhay.
"Kasabay ng trabaho ko, mahirap kapag aalis ako ng bahay kasi lagi kong nami-miss ang anak ko, si Sylvio.
"Pero alam mo yung may mas nagkaroon ako ng inspirasyon ulit. After na mawala ng mama ko, nagkaroon ako ng baby. Tuloy lang, tuloy lang yung trabaho.
"Makapag-ipon? Oo naman, siyempre ang lagi kong iniisip ngayon yung future ng anak ko."
MENTOR IN NEW KAPAMILYA REALITY SHOW
Isa si Angeline sa mga mentor sa upcoming reality talent search show na Dream Maker, na iprinodyus ng ABS-CBN Entertainment, MLD Entertainment, at Kamp Global.
Kasama niya ang ibang mentors na sina Bailey May, Darren Espanto, Thunder, Bae Yoon Jung, at JeA.
Ang magsisilbing hosts ay sina Kim Chiu at Ryan Bang. Magsisimula itong umere sa Kapamilya Network at A2Z simula November 19, 2022.
"Sobrang nakakatuwa... As a mentor, ang sarap sa feeling, ang sarap sa pakiramdam na ako na yung gagawa nito ngayon.
"Dati ako yung laging dyina-judge sa mga competition," nakangiting sabi ni Angeline.
Si Angeline ay grand winner ng Star Power: Search for The Next Female Pop Superstar noong 2011, kaya sobra siyang excited sa show.
Dagdag niya, "This time na maging mentor, sobrang honored ako and grateful sa ABS-CBN and Dream Maker."
Apat na Pinoy at dalawang Koreans ang mentors. Ayon kay Angeline, balanse ang pointers at feedback nila sa kasaling contestants.
"Iba-iba kasi parang ako may iba't ibang mentors na talagang istrikto... So kami, nag-uusap-usap kami na balansehin lang namin."
- Jaclyn Jose alludes to tampuhan with daughter Andi Eigenmann
- Maricar Reyes finally opens up about her 2009 scandal: “There are still people who are disrespectful.”
- Kim Atienza at team ng "Dapat Alam Mo" nasaksihan ang trahedya sa Itaewon
