Bukod sa pagiging tanyag na newscaster sa bansa, sino ang mag-aakalang ang TV Patrol anchor na si Bernadette Sembrano ay isa ring mangangalakal?
Ayon kay Bernadette, junk shop ang kabuhayan nila ng kanyang asawa na si former Kawit, Cavite Vice Mayor Emilio "Orange" Aguinaldo IV, apo ni former President Emilio Aguinaldo.
Read: Mister ni Bernadette Sembrano, ibinahagi ang kadiring experience sa milk tea na may ipis
"Hindi talaga ako nag-aaksaya. Lalo na yung napangasawa ko, nangangalakal.
"Hindi ako makatapon ng mga papel. Yung lahat ng papel, wala [kaming] tinatapon.
"Yung mga cups na iyan, hindi namin itatapon iyan. Lilinisin ko pa yun, ikakalakal pa," pagbabahagi ni Bernadette sa YouTube vlog ni Ogie Diaz na in-upload nitong Miyerkules, November 9, 2022.
Para kay Bernadette, hindi tama na nila-"lang" ang basura dahil wala umanong masama sa pangangalakal at pamamasura.
Saad niya, "Sabi nung asawa ko sa akin, kasi dati noong nasa government pa siya, nakita niya yung isang taong nagdyadyaryo-bote sa harap ng bahay.
"Sabi niya, 'Subukan ko kaya ito.' Kaya kami nangangalakal, nangangalakal kaming mag-asawa."
Kailanman ay hindi raw ito ikinahiya ni Bernadette. Sa katunayan ito pa raw ang naging rason para siya ay maging "humble."
Aniya, "I like doing it. Kasi nakakatulong ka, kumikita ka. And it keeps me humble.
"Saan ka naman nakakita ng news anchor na nagpupulot ng basura?
"Ako lang gumagawa nun."
Sundot na tanong ni Ogie: "Nagpupulot ka ng kalakal?"
Sagot ni Bernadette: "Oo, namumulot ako ng kalakal, ako lang gumagawa nun.
"Siguro pag makikita ng iba, [sasabihin] 'Ano ba iyan, nakakahiya, ang cheap-cheap naman.'
"But in essence, other people are doing it. And we're wasting it, nagiging basura talaga siya.
"Pero walang gumagawa dahil hindi class? Ewan ko, hindi ko alam. Pero it's something that we should be doing."
Naniniwala rin ang Kapamilya broadcaster na kung mayroon kang pakialam sa kalikasan at ibang tao ay hindi ka dapat mahiya sa pamumulot ng basura.
Aniya, "Dapat natin siyang ginagawa if we care for our environment.
"If we care for others, it's something that we should be doing.
"But we're not doing it kasi it's, what, not glamorous?
"Sabihin mo lang na may magara akong kotse, ang laman naman nun kalakal minsan."
Marami raw ang nagsabi sa kanilang hindi sila yayaman sa pangangalakal, ngunit pakiramdam daw nilang mag-asawa na ito ang dapat nilang gawin para makatulong sa kalikasan.
"We feel we have to do it. To segregate, to reuse, huwag maging maaksaya.
"Definitely to help the environment."
Ibinahagi rin ni Bernadette na minsan ay napagkakamalang janitor ang kanyang asawa dahil sa mga dala nitong kalakal sa trabaho.
Pagbabahagi niya, "Naalala ko, sinabi dati ni Asawa sa akin. Noong nangangalakal siya, napagkakamalan siyang janitor minsan.
"Kasi at that time, nasa public office siya, tapos may dala-dala siyang kalakal.
"And sabi sa akin ni Asawa, 'It keeps me humble.'"
"NOTHING TO BE ASHAMED OF"
Malaki ang pasasalamat ni Bernadette sa kanyang asawa dahil sa dami ng itinuro nito sa kanya.
Bukod sa pagiging simple ng kanilang buhay, ang mister din daw niya ang isa sa dahilan kung bakit mas mabuting tao siya ngayon.
Pagbabahagi ni Bernadette: "Maiiyak ako sa asawa ko. Love na love ko talaga yun.
"Ang galing niya makitungo sa iba.
"Para sa akin, ang pag-aasawa, vocation talaga. Kung mas mabuti akong tao nang dahil sa kanya, I must say, oo."
Anuman ang sabihin ng ibang tao tungkol sa kung ano siya at sa kung ano ang ginagawa nila, wala raw siyang dapat ikahiya dahil alam niyang wala siyang tinatapakang iba.
Pahayag ni Bernadette, "Sa buhay, huwag natin ikumplika. Alam naman natin yung tama at mali.
"Babalikan mo lang kung ano dapat at kung sino ka. Basta wala kang tinatapakan.
"Basta honest ka, basta ginagawa mo para sa ibang tao.
"Hindi naman ito pa-glamour-an ng buhay, e. Maybe sometimes ang buhay natin hindi Instagrammable.
"But at the end of the day, what is life for you? Ano yung core mo?
"Wala kang dapat ikahiya kung wala ka namang ginagawang mali.
"Para sa akin, malaking bagay yung ginagawa ko. Hindi ko man sinasadya, it also keeps me humble."
Dagdag pa niya, "Oo nga, 'no? Kung iisipin mo, kalakal ang dala-dala ko. Kalat ng iba.
"Pero it's an honest thing. It's a good thing.
"And there's nothing to be ashamed of when you're doing something good."
