PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Keempee de Leon no communication with Eat Bulaga Dabarkads

Keempee: "Wala na akong nakakausap sa kanila, e."
by Bernie V. Franco
Published Nov 11, 2022
keempee de leon pep live
Keempee de Leon: "I could say naka-move on na naman ako, kahit papaano... And by the grace of God, thankful ako na na-guide ako ni God to forgive kung sino man yung nakasakit sa akin, o kung anuman, kung nawala ako sa show. Might as well accept it kasi hindi mo naman puwedeng ipilit ang sarili mo sa mga bagay kung di ka nila kailangan, kung di ka na kailangan doon sa show."
PHOTO/S: PEP.ph

Naka-move on at natuto na raw magpatawad ni Keempee de Leon sa mga taong nakasakit sa kanya nang matanggal siya sa Eat Bulaga.

Nagsilbing co-host si Keempee sa longest-running noontime show sa bansa sa loob ng labing-apat (14) na taon bago siya natanggal noong 2016.

Inamin ni Keempee de Leon sa panayam niya sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) noong 2019 na may tampo siya sa Eat Bulaga! dahil wala umanong ibinigay na dahilan sa kanya kung bakit siya tinanggal sa programa.

Iyon daw ang major reason kung bakit nagkaroon siya noon ng matinding depresyon at trauma.

Taong 2019 din nang lumipat sa ABS-CBN si Keempee.

Read:

Inabot man ng ilang taon, sinabi ni Keempee na at peace na siya at nalampasan na niya ang masakit na pangyayaring iyon sa kanyang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ko naman maitatago iyon, e.

“Pag nasa showbiz ka, transparent ang buhay mo talaga, e.

“Kahit itago mo iyan, malalaman pa rin ng ibang tao iyan,” pahayag niya nang ma-interview siya sa PEP Live nitong November 9, 2022.

Aniya pa tungkol sa isyu, “I’m just being honest kasi tao din lang naman ako na may pagkukulang, or may nararamdaman, o emosyon, o kung anuman.

“I could say naka-move on na naman ako, kahit papaano...

“And by the grace of God, thankful ako na na-guide ako ni God to forgive kung sino man yung nakasakit sa akin, o kung anuman, kung nawala ako sa show.

“Might as well accept it kasi hindi mo naman puwedeng ipilit ang sarili mo sa mga bagay kung di ka nila kailangan, kung di ka na kailangan doon sa show.

“So, i-accept mo na lang iyon and just move forward, go on with your life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I’m sure may mga ibang opportunities pa naman siguro na darating. Look for a brighter future.”

Recently, si Keempee ay napabilang sa ABS-CBN teleserye 2 Good 2 Be True.

Bida rin siya sa upcoming comedy film ma Mahal Kita, Beksman na ipalalabas sa mga sinehan sa November 16, 2022.

NO MORE COMMUNICATION WITH EAT BULAGA! HOSTS

May komunikasyon pa ba siya sa Dabarkads o hosts ng Eat Bulaga?

“Actually, wala na, hindi na," tugon ni Keempee.

"Kasi si Ruby [Rodriguez], nagla-like-like na lang kami minsan sa Instagram, kasi nasa States na yata ngayon…

“Puro like, like na lang sa Instagram, minsan.”

Gaya ni Keempee, clueless din si Ruby nang hindi na siya pabalikin sa Eat Bulaga! kung saan naging co-host siya for 30 years.

Read: Ruby Rodriguez opens up about her Eat Bulaga exit

Pagpapatuloy ni Keempee, “Wala na akong nakakakusap sa kanila, e.

“Ang huli ko lang naka-message si Ryan [Agoncillo] yata, parang nung last birthday ko pa yata iyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“I guess everybody’s busy and they have their own thing in life.”

Sa kabila nito, thankful si Keempee na nagkaroon siya ng pagkakataong mapabilang sa show, kung saan original host ang kanyang amang si Joey de Leon.

Saad ni Keempee, “So at least, thankful ako na in my journey in this life and my career, e, I was able to work with them.

“And naging part ako ng Eat Bulaga for 14 years, and na-experience ko na maging part ng family ng Eat Bulaga

“And makatrabaho yung mga taong gusto kong makatrabaho, lalo na yung Tito, Vic, and Joey.

“Okay na yun. Kumbaga, all goods na ako noon. Kumbaga, good experience na iyon.”

Panoorin ang PEP Live interview with Keempee rito:

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Keempee de Leon: "I could say naka-move on na naman ako, kahit papaano... And by the grace of God, thankful ako na na-guide ako ni God to forgive kung sino man yung nakasakit sa akin, o kung anuman, kung nawala ako sa show. Might as well accept it kasi hindi mo naman puwedeng ipilit ang sarili mo sa mga bagay kung di ka nila kailangan, kung di ka na kailangan doon sa show."
PHOTO/S: PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results