PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marc Pingris recalls reuniting with his biological father

"Noong niyakap niya ako, nawala yung galit ko."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Nov 14, 2022
Marc Pingris-dad
Marc Pingris on meeting his dad Jean Marc Pingris Sr. (center) for the first time after 26 years: "Noong niyakap niya ako, nawala yung galit ko, solid. Nung niyakap niya ako at tinawag niya akong 'my son' three times, first time in my life nakaramdam ako na buo yung pagkatao ko."
PHOTO/S: Screengrab @Karen Davila YouTube

Galak at pasasalamat ang naramdaman ng dating professional basketball player na si Marc Pingris nang nakita niya sa unang pagkakataon ang kanyang biological father na si Jean Marc Pingris Sr.

Naganap ang unang pagkikita ng mag-ama noong 2008 sa Paris, France.

Lumaki si Marc nang walang ama sa paniniwalang patay na ito.

Mag-isa lamang siyang itinaguyod ng kanyang ina, kung kaya’t kapag tinatanong daw siya kung anong klaseng tatay siya sa kanyang mga anak ay nahihirapan siyang sagutin ito.

Si Marc ay asawa ni Danica Sotto, panganay na anak ng dating mag-asawang Vic Sotto at Dina Bonnevie.

May dalawa silang anak — sina Jean Michel, 13, Annielle Micaela, 10. Kasalukuyang buntis si Danica sa ikatlo nitang baby.

Read: Celebrity couple Danica Sotto and Marc Pingris expecting baby boy

"Alam mo minsan nahirapan ako sagutin [kung anong klaseng tatay] dahil lumaki ako nang walang daddy.

"Ang hirap kasi hindi ko napagdaanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa akin, talagang ginagawa ko lang as a dad, ibinibigay ko yung needs nila, yung pagmamahal ng isang ama na hindi ko naranasan before," pagbabahagi ni Marc sa latest YouTube vlog ni Karen Davila na in-upload noong November 11, 2022.

Malaking bagay raw kay Marc ang patnubay at pagmamahal na ibinigay ng kanyang kuya, nanay, at kapatid para sa pagbuo ng sarili niyang pamilya.

Aniya, “Nakukuha ko na lang sa brother ko kung paano niya ako inalagaan before. So, lahat ng itinuro niya sa akin, iyon yung mga itinuro ko sa mga anak ko.

“Si mother ko rin and my sister, kung ano yung pagga-guide nila sa akin before, iyon yung ginagawa ko sa mga anak ko."

FINDING HIS BIOLOGICAL DAD

Nang mapag-usapan na ang tungkol sa kanyang tatay, tila mangiyak-ngiyak si Marc na ikuwento kung paano niya ito muling nakita, makalipas ang ilang dekada.

Ayon sa former PBA player, ang misis na si Danica ang naging instrumento para makilala niya ang kanyang ama.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Danica Sotto instrumental in finding Marc Pingris's dad

Saad niya, “I’m so blessed na na-meet ko si Danica dahil siya yung nakahanap [sa] daddy ko.

“Nung malapit na kaming ikasal ni Danica, na wala akong idea papunta akong practice, hinahanap na pala niya yung father ko that time."

March 3, 2007, nang ikasal sina Marc at Danica.

Read: A fairy kingdom-themed wedding for Danica Sotto and Marc Pingris

Ang unang nahanap daw ni Danica ay ang kapatid ng tatay ni Marc at ito ang gumawa ng paraan para magkausap sila.

Lahad niya, “Nag-usap kami ng dad ko sa phone. Sorry to say, wala talaga akong naramdaman na pagmamahal. Mas iniisip ko yung mother ko that time.

"Nagselos kasi mama ko that time. Sinabi ko talaga, 'Kahit anong mangyari hindi kita ipagpapalit,' kasi umiiyak siya, e.

"So, nag-decide kami [ni Danica] pagkatapos ng wedding na pumunta kami ng France to meet my dad."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Danica and Marc to visit the cager's estranged father in France soon

Pag-amin ni Marc, noong nasa France na sila ay nagdalawang-isip pa siyang ituloy ang pakikipagkita sa kanyang ama, dahil pakiramdam daw niya ay galit lang ang mararamdaman niya rito.

Kuwento niya, "Noong nandoon na kami sa airport sa Paris, kasi matangkad yung dad ko, e, same height kami, 6’4” din yung dad ko.

"Nung nakita ni Danica, [sabi niya] 'Yung dad mo nandun na.' So nung nakita ko, yeah, kamukha ko nga rin.

"Nang papalapit nang papalapit, talagang ang lakas ng tibok ng puso ko, sobrang kinakabahan ako, nanginginig ako, hindi ko alam kung ano yung gagawin ko talaga."

Hindi raw akalain ni Marc na ang galit na nararamdaman niya ay napalitan ng saya at pangungulila nang hagkan siya ng kanyang ama.

"Noong niyakap niya ako, nawala yung galit ko, solid.

"Nung niyakap niya ako at tinawag niya akong 'my son' three times, first time in my life nakaramdam ako na buo yung pagkatao ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nabuo yung pagkatao ko."

Ang mga tagpo na iyon ay dati lang daw napapanood ni Marc sa pelikula, at hindi niya sukat-akalaing mangyayari rin iyon sa totoong buhay.

Nang tanungin ni Karen kung ano ang naramdaman niya noong mga oras na iyon, ang sagot ni Marc ay pagmamahal at pagpapatawad.

"Love and forgiveness, hindi ako makapaniwala na ganun kabilis.

"Twenty-six years tapos isang yakap lang nawala na agad.

"Minsan nga sa pelikula napapanood mo [sinasabi mo], 'Hindi naman iyan totoo, e.' Pero nung nangyari sa akin, totoo nga, totoo pala.

"I don’t know, sabi nga ni Danica, si Lord yun kasi sobra yung galit ko sa kanya, e."

THE REUNION

Mula sa Paris ay bumiyahe raw sila patungong Switzerland para makapag-usap ng kanyang tatay.

Dito raw ay lakas-loob siyang naglabas ng hinanakit at sama ng loob sa pag-iwan sa kanila ng ama.

Saad niya, "Nagpakalasing muna ako, para kasi masabi ko lahat sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Doon ko tinanong lahat, doon ko ibinuhos lahat ng galit ko.

"Sabi ko sa kanya na at the age of nine, nagawa ko na lahat sa buhay. Nagtinda na ako, naging kargador ako, sa lahat ng hirap ng buhay talagang napagdaanan ko.

"Yung tipong graduation ko, ang paa ko size 8, humihiram ako ng sapatos na size 6, pinagkakasya ko yun.

"Kinukuwento ko sa kanya yun, wala kasi akong pambili ng sapatos. Umiyak na lang siya, hindi niya alam na ganun [yung pinagdaanan ko].

"Nag-sorry siya sa akin, ang sabi niya, ang importante ngayon, mag-start tayo ng panibagong buhay. Sobrang natuwa ako [nung sinabi niya yun]."

A WIFE'S LOVE

Dahil sa pagmamahal ni Danica kay Marc, handa raw niyang gawin ang lahat para mapasaya at mabuo ang pagkatao ng kaniyang minamahal na asawa.

Read: Danica Sotto supports husband Marc Pingris’s decision to retire from PBA

Lahad ni Danica, na kasama ni Marc sa interview, "Noong time na yun, hindi ko naman ine-expect na God will really restore their relationship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang gusto lang namin malaman is kung buhay pa para may closure.

"Kasi inisip ko [that time], if he doesn't settle down yung issue niya when he was young, baka malabas niya sa marriage namin. Di ba, kasi kapag mayroon kang pinagdaanan na hindi maganda tapos ilalabas mo sa asawa, sa mga bata?

"I wanted him [Marc] to have that. Kasi he's really mad, like ayaw niya talaga [na makita yung tatay niya]."

Labis din ang pasasalamat ni Danica sa Diyos dahil ibinigay at tinupad daw nito ang matagal nang pangarap ni Marc na magkaroon ng ama.

Aniya, "Ang galing lang din ni God kasi He gave us more that we asked for. Hindi lang na-restore yung relationship nila nung dad niya but he's really close to his stepmom."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marc Pingris on meeting his dad Jean Marc Pingris Sr. (center) for the first time after 26 years: "Noong niyakap niya ako, nawala yung galit ko, solid. Nung niyakap niya ako at tinawag niya akong 'my son' three times, first time in my life nakaramdam ako na buo yung pagkatao ko."
PHOTO/S: Screengrab @Karen Davila YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results