Kilig ang hatid ng celebrity couple na sina Mikee Quintos at Paul Salas habang sila ay nagbabakasyon sa Paris.
Sa latest vlog sa YouTube ni Paul na may titulong "Welcome to The City of Love With MY LOVE Mikee," ibinahagi nila ang kanilang naging couple trip.
Sa umpisa ng video, makikitang nasa airport si Paul para lumipad patungong Paris sa Europe kung saan naroroon si Mikee at ang pamilya nito.
"Mag-isa lang akong babiyahe ngayon, susunod ako kina Mikee at sa family niya sa Paris.
"I'm so excited. First time ko yung ganito kahaba na flight, bale pupunta muna ako ng Dubai siguro mga two hours din waiting time, then papuntang Paris," pagbabahagi ng aktor.
Pagdating niya sa Paris, agad siyang sinalubong ng halik at mahigit na yakap ng kanyang nobya.
Saad ni Mikee, "He's here, he's here. Kanina pa ako dito hindi mapakali.
"Kanina pa ako naka-display sa bintana....hinihintay kita."
LOVERS IN PARIS
Bukod sa kanilang mga food trips, in-enjoy din nina Paul at Mikee ang mga sikat na tourist attractions sa Paris.
Una nilang pinuntahan ang Sainte-Chapelle de Paris kung saan dito ay biniro ni Mikee si Paul.
Aniya, "Dito tayo ikasal, kaya mong bayaran?"
Natatawa at gulat na sagot ni Paul, "Ano? Huwag ka munang mag-isip ng ganyan."
Matapos nilang libutin ang Sainte-Chapelle ay dumiretso sila agad sa Eiffel Tower.
Pag-amin ni Paul, hindi raw niya sukat akalain na makakarating siya rito.
"Hindi ko ine-expect na makakapunta ako [rito]. Pinilit lang ako actually ng family ni Mikee pero sobrang worth it nga.
"Sana next time kasama ko naman ang aking pamilya."
LUNCH DATE
Sa River Seine Cruise ang sumunod na napiling destinasyon ng magkasintahan.
Dito rin naganap ang emosyunal na pagpapalitan nila ng love letters sa isa't isa.
Ideya ni Mikee na lagyan nila ng message ang mga kuha nilang litrato habang sila ay nagtatanghalian.
Ani ni Mikee, "Gusto ko may message, gusto ko sincere lang, kung ano lang yung gusto mong sabihin right now and in this moment."
Unang binasa ni Paul ang sinulat niyang mensahe para kay Mikee.
Mensahe niya, "Baby, thank you sa mga times na pinapaalala mo sa akin na hindi masamang maging masaya mag-isa at mahalin ang sarili.
"Hinding-hindi ko 'to makakalimutan, itong date natin.
"I love you, MQ [Mikee Quintos]."
Hindi na natuloy ni Paul ang kanyang sasabihin nang makita na niyang umiiyak na si Mikee.
"Bakit ka umiiyak?" mabilis niyang tanong.
Sagot ni Mikee, "Hindi ako umiiyak. Inaantok ako. Naiiyak ako kasi ako na."
Nang basahin ni Mikee ang sinulat niyang mensahe ay hindi rin napigilang maging emosyunal ni Paul dahil nakadama raw siya ng appreciation.
Mensahe ni Mikee kay Paul, "To my love, thank you for seeing the best of me and choosing our love.
"May this photo be a reminder for many adventure in Europe this year.
"I can't wait to explore the world with you.
"I love you [heart]. Yours forever, MQ [Mikee Quintos]."
Noong May 23, 2022, unang inamin ni Paul sa GMA News na "dating" ang relationship status nila ni Mikee.
Read: Paul Salas reveals dating Mikee Quintos: “Gusto ko ito na yung last.”
Nanligaw raw siya sa aktres pagkatapos nilang magkatrabaho sa The Lost Recipe sa GTV, noong 2021.
Read: Mikee Quintos mum on lovelife but admits she's happily dating
July 20, 2022 nang tuluyan na nilang isapubliko na isang taon na silang magkarelasyon, nang magkasama nilang ipinagdiwang ang kanilang anniversary sa Boracay.
