PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Andrea Torres hesitant at first to accept Sisa role

Andrea: "Pag tinanggap ko parang risk, di ba?"
by Khryzztine Joy Baylon
Published Nov 15, 2022
Andre Torres-Sisa
Andrea Torres on being part of GMA-7 series Maria Clara at Ibarra: "Actually, more on kinuwestiyon ko yung sarili ko kung, 'Kaya ko kaya?' Alam mo yung sobrang laki kasi ng pressure na iniisip mo na, 'Pag tinanggap ko parang risk, di ba? Kasi kapag hindi mo nagawa nang tama, baka matatakan ka na."
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon

Aminado si Andrea Torres na nakaramdam siya ng pressure nang tanggapin niya ang role bilang Sisa sa historical portal fantasy ng GMA-7 na Maria Clara at Ibarra.

Dumating rin daw sa punto na kinuwestiyon niya ang kanyang sarili kung kaya nga ba niyang pangatawanan ang karakter ni Sisa, na hango sa nobelang Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.

"Actually, more on kinuwestiyon ko yung sarili ko kung, 'Kaya ko kaya?'

"Alam mo yung sobrang laki kasi ng pressure na iniisip mo na, 'Pag tinanggap ko parang risk, di ba? Kasi kapag hindi mo nagawa nang tama, baka matatakan ka na.

"At the same time, [sa isip-isip ko], 'Pag hindi mo naman siya ginawa hindi ka naman matatahimik, kasi ang laki-laki ng opportunity,'" pagbabahagi ni Andrea.

Nakapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Lunes, November 14, 2022, sa watch party ng isa sa bago niyang pagbibidahang action series na One Good Day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napangunahan man siya ng takot, sa huli ay nanaig pa rin daw kay Andrea ang kumpiyansa niya sa sarili.

Saad niya, "Sabi ko [sa sarili ko], face your fears. Minsan lang magkaroon ng ganitong pagkakataon.

"Ang ganda-ganda ng [role] ni Sisa. Kaya ang ginawa ko na lang, ni-ready ko talaga yung sarili ko.

"Kasi, sabi ko doon ko na lang makukuha yung confidence ko, di ba, kapag you came prepared."

Um-effort daw talaga siya na mag-research at pag-aralan ang naging buhay ni Sisa sa nobela.

“Nag-research talaga ako, tungkol sa buhay niya [Sisa] about year 1800s.”

Nagbunga naman ang effort at sakripisyo na ginawa niya nang ilang araw siyang mag-trend sa iba’t ibang social media platforms dahil sa nakakaantig niyang pagganap bilang Sisa.

Read: Andrea Torres earns praise for breakdown scene as Sisa in "Maria Clara at Ibarra"

Nang tanungin siya kung paano niya pinaghahandaan ang mga mabibigat na eksena sa serye, ang naging sagot niya “super focus talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Andrea, “Super focus talaga [ako]. Tsaka dapat talaga until magsabi ng tapos na yung eksena hold on lang ako sa emotion ko.

“Since mabigat siya, at least, hindi na ako ganon mahihirapan ibalik kapag may ibang anggulo.

“Yung script ko rin sobrang dumi, kasi binabalik-balikan ko siya gabi-gabi.

“Todo notes din ako para wala akong makalimutan."

Dagdag pa niya, “Sabi ko nga sa sarili ko basta everytime na may chance ka, gawin mo yung homework mo.”

“NAIIYAK AKO”

Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw makapaniwala si Andrea sa mga natatanggap niyang papuri.

Read: Andrea Torres overwhelmed by praises for her portrayal as Sisa: "Ako rin pinapaiyak niyo."

Pag-amin niya, ipinagdasal talaga niya ang magandang outcome ng kanyang karakter ngunit hindi niya inaasahan na sobra-sobra ang ipagkakaloob sa kanya.

Aniya, “Sa totoo lang hanggang ngayon naiiyak ako.

“Yung moment na nakita ko na trending, tapos nakita ko na ginagaya nila ako, yung mga artworks.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Naiyak ako kasi parang never kong na-experience yung ganito.

“Oo, ipinagdasal ko, pero syempre sa dasal mo hindi mo alam na ganito kalaki yung ibibigay sayo.

“Kaya sabi ko grabe worth it din talaga, lahat ng binigay kong effort.”

Hindi rin daw niya kailanmnan inexpect na ma-appreciate ng mga manunuod ang kanyang karakter, lalo na’t noong breakdown scene ni Sisa nang mawala siya sa katinuan dahil sa pagkawala ng kanyang mga anak na sina Basilio at Crispin.

“Hindi ko talaga in-expect, sobrang nagulat ako.

“Pinanuod ko siya that night, and then kinakabahan ako, sabi ko ano kaya magustuhan kaya nila?

“More on kaba talaga yung naramdaman ko.”

WHERE SHE GETS HER INSPIRATION

Affected daw si Andrea sa mga pinagdaanang sakit at hirap ni Sisa sa nobela.

Isa raw sa mga naging inspirasyon niya habang ginagawa ang eksena ay ang kanyang ina at nakababatang kapatid na may special needs.

Read: Andrea Torres proud ate to brother with special needs: "Forever namin siyang baby."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya, “Sobrang affected talaga ako sa story niya [Sisa].

“I feel for her as a mom. Kasi nga sobrang close ko sa parents ko.

“Parang nai-imagine ko that time at the same time may nakakabata akong kapatid so, parang doon ko rin hinugot [yung emotion] na shocks kapag ito nangyari sa nakababata kong kapatid na walang kalaban-laban since yung brother [ko] is may disability.

“Ano kayang mafe-feel ko? Syempre as protective ako like Sisa.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrea Torres on being part of GMA-7 series Maria Clara at Ibarra: "Actually, more on kinuwestiyon ko yung sarili ko kung, 'Kaya ko kaya?' Alam mo yung sobrang laki kasi ng pressure na iniisip mo na, 'Pag tinanggap ko parang risk, di ba? Kasi kapag hindi mo nagawa nang tama, baka matatakan ka na."
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results