Matapos ianunsiyo ni Angeline Quinto na engaged na siya kay Nonrev Daquina, may mga espekulasyong nagpakasal na rin sila.
"Hindi pa po ako kasal," paglilinaw ni Angeline.
Dagdag niya, "'Tsaka kung sakaling kasal na ako, malalaman at malalaman ninyo po yun."
Church wedding ang nais ni Angeline para sa kanila ng non-showbiz fiancé niyang si Nonrev.
Dahil pareho silang deboto ng Nazareno sa Quiapo Church, dito rin nila gustong ikasal.
Paliwanag ni Angeline, "Kasi, marami po talaga akong kaibigang pari doon, unang-una.
"At sila nagtatanong na rin after nung binyag ni Sylvio kung kailan ako ikakasal. Kasi gusto nila akong tulungan.
""Tsaka pareho kasi kami ni Nonrev na deboto ng Nazareno."
May posibilidad bang isabay nila ang kasal nila sa Pista ng Nazareno on January 9, 2023?
"Ang dami namang tao noon. Makikigulo pa ako sa kanila!" natatawang sambit ni Angeline.
Biro pa niya, "Puwede bang mag-alay muna tayo ng dasal sa Nazareno?"
Kung January 8?
“Birthday ng mama ko yun," biglang na-senti na sabi ni Angeline.
Ang "mama" na tinutukoy ni Angeline ay ang kanyang adoptive mother na si Mama Bob.
Read: Angeline Quinto’s adoptive mother Mama Bob passes away
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angeline sa backstage ng Resorts World Manila pagkatapos ng kanyang 10Q concert, with her special guests na sina Bugoy Drillon, Darryl Ong, at Michael Pangilinan collectively known as BuDaKhel, noong November 12, 2022.
WEDDING DATE & SINGERS
Ayon kay Angeline, excited siyang matuloy ang kasal nila ni Nonrev sa 2023.
"Lahat naman ng katulad ko talagang pangarap na ikasal, di ba? So, ayun, hopefully po kung magkaroon ng pagkakataon next year, sana.
"Pinag-uusapan naman na namin ng partner ko. Pero sa ngayon siyempre priority namin si Sylvio," saad niya.
Kakanta ba siya sa sarili niyang wedding?
"Oo naman," mabilis niyang tugon.
May mga gusto pa ba siyang kasamahan sa showbiz ang nais niyang kumanta on her wedding day?
“Ang gusto ko talaga kung sino? Si Miss Reg at si Sarah," napangiting tukoy niya sa kapwa Kapamilya singers na sina Regine Velasquez at Sarah Geronimo.
SUPPORTIVE PARTNER
Kung anu't ano man, malaking bagay para kay Angeline ang kanyang napaka-supportive ng partner.
"Kumbaga, kasi pagdating kay Sylvio dalawa kami diyan, e. Hindi puwedeng ako lang. Hindi rin puwedeng siya lang, di ba?
"Naiintindihan naman po niya lagi kapag minsan umaalis ako ng bahay tulog pa sila. Umuuwi ako ng bahay tulog na sila.
"Kasi mahirap sa part ko lalo pag pagod ako, pero makita ko lang sila ng maayos, lalo si Sylvio,” pagtatapos ni Angeline.
