PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carmina Villarroel on co-star who slapped her so hard

Carmina: “Yung cut na, umiiyak pa rin ako kasi sa pikon pa rin."
by Bernie V. Franco
Published Nov 17, 2022
carmina villarroel sampalan
Carmina Villarroel recounts a female co-star who slapped her so hard during a scene: “Pinarinig ko sa kanya na, ‘Ang sakit nga, e.’ Imagine mo, nahulog ako sa sofa!”
PHOTO/S: @mina_villarroel on Instagram / YouTube (Just Gelli)

Binalikan ni Carmina Villarroel ang isang insidente kung saan napikon siya sa isang co-star noon dahil sa sobrang lakas ng pagkakasampal nito sa kanya sa kanilang eksena.

Ang mas ikinagalit pa raw ni Carmina ay hindi nag-sorry ang co-star niyang ito sa teleserye.

Sa "Wala Pa Kaming Title" podcast na in-upload noong November 9, 2022, nagkuwento si Carmina, kasama sina Gelli de Belen, Candy Pangilinan, at Janice de Belen, tungkol sa mga eksenang sampalan sa past projects nila.

Tinanong ni Janice si Carmina kung naranasan nitong mapikon sa co-star dahil sa pananampal.

“Oo,” sagot ni Carmina, na gumanap daw bilang kontrabida sa seryeng hindi na niya tinukoy.

Ayon kay Carmina, “pinaghandaan” ng co-star niyang ito ang ginawang pananampal sa kanya sa kanilang eksena.

“Eto talaga yung may buwelo, talagang [pinaghandaan] ako. Yung hindi ko tuloy alam kung ginagawa mo ba iyon as a person—as ikaw or character mo?” sabi ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa eksena, magkatabi si Carmina at ang co-star niya sa sofa, at sasampalin si Carmina ng kanyang co-star.

Pero hindi nagustuhan ni Carmina ang ginawang pagsampal sa kanya ng co-star.

“Kasi may buwelo. Nawala ako sa frame at nahulog ako sa sofa. Buti na lang may sofa, kasi kung walang sofa, nahulog ako sa floor,” kuwento niya.

Para raw kay Carmina, mali ang ginawa ng co-star niyang ito.

THE SAMPALAN SCENE

“Siyempre napikon ako. Ang sakit, man! Ang sakit! Imagine mo, may buwelo na nga!” pagbabalik-tanaw ni Carmina.

“Did you call her out?” tanong ni Janice, indikasyong babae ang kaeksenang ito ni Carmina.

Sagot ni Carmina, “Nahulog ako sa silya. Mabuti na lang may presence of mind ako na tumayo ako.

“Kasi kung hindi, baka ma-take two na naman. Ayoko, kasi ang sakit talaga, Ate Janice!

“Ang sakit, ganun! So, ‘Cut!’ Wala! Hindi siya lumapit akin. Wala man lang, ‘Oh, my gosh. I’m so sorry. I’m so sorry, nadala lang ako ng...’ Wala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung co-actor ko pa ang lumapit sa akin just to say, ‘Okay ka lang ba?’ At doon ko nasabi, ‘Hindi, putcha ang [lakas]!”

Napamura raw si Carmina sa sobrang sakit kahit hindi siya ang tipong nagmumura.

“Pinarinig ko sa kanya na, ‘Ang sakit nga, e.’ Imagine mo, nahulog ako sa sofa!”

Ayon pa kay Carmina, naramdaman sa set ang masakit na pananampal na ginawa sa kanya ng co-star.

“But halos lahat ng cast nagpunta sa akin,” ani Carmina. “Nagpunta sa akin kasi na-feel talaga nila na ang sakit.

“Yung cut na, umiiyak pa rin ako kasi sa pikon pa rin. Sa sakit at pikon.

“I think after that, hindi naman ako nagreklamo.”

Pero nag-open up daw siya sa katrabahong aktor.

Kahit mismong mga direktor nila ay gumawa ng paraan kahit hindi nagsabi si Carmina.

“Na-feel nung mga directors ko doon. Sa mga succeeding scenes, all throughout the show, ‘O, daya na lang ito [sampalan scene],’ without me saying.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Di naman ako nagreklamo. Sila na mismo nagsabi, ‘O, hindi mo na kailangang sampalin dito si ano. Yung daya na lang.’”

RELATIONSHIP with THE SAID CO-STAR

Patuloy ni Carmina, “Ako naman, ‘O, sige, baka nadala ka ng emosyon mo.’ Ako kasi, parang I don’t want to judge.

“Pero ako kasi, siguro ako, kahit galit ako, hindi ako nadadala ng emosyon ko.

“Di ba, tayo bilang artista, we use real emotions, di ba?”

Pero kahit daw tunay na emosyon ang ginagamit ni Carmina sa isang eksena, “Alam ko pa rin na nagti-taping tayo. Alam ko pa rin na trabaho ito, na hindi ito totoo.

“May conscious effort ka pa rin kahit sabihin mo na mananapak ka, mananampal ka [sa eksena], as much as possible. Kaya nga acting, e.”

Kinumusta ni Janice kung nagbago ang relasyon ni Carmina sa co-star na sumampal sa kanya.

“Wala naman dapat i-change, e,” sabi ni Carmina, indikasyong hindi siya close sa co-star niyang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagbago ba ang tingin ni Carmina sa katrabahong iyon?

“Hindi ko kasi masagot. Natatandaan ko, ‘Shucks, ang sakit talaga noon,'" sagot ni Carmina.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carmina Villarroel recounts a female co-star who slapped her so hard during a scene: “Pinarinig ko sa kanya na, ‘Ang sakit nga, e.’ Imagine mo, nahulog ako sa sofa!”
PHOTO/S: @mina_villarroel on Instagram / YouTube (Just Gelli)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results