Makukunsidera si Dimples Romana na isa sa pinakamahusay na aktres sa kanyang henerasyon dahil sa talento niya, mapabida man o kontrabida.
Marami lang ang nanghihinayang dahil tila mailap pa rin ang acting award sa aktres.
Sabi naman ni Dimples, "Wala, naku! Hindi kasi ako pinanganak na may inggit sa katawan so hindi ako ganun mag-isip.
"Magka-award? Di rin, di ako ganun magtrabaho. As in, para sa akin, if my family is doing well, at nagawa ko ang trabaho ko na hinihingi sa akin, okay na yun.
"Kaya wala kayong makukuha sa akin na ganung feeling [inggit].
"That's also the reason why I remained very good friends with many of my colleagues because nararamdaman nila na di ako ganun mag-isip.
"Hindi yun ang gauge ng success kasi. If they give it, okay, kung wala, okay lang din."
Gaganap bilang asawa sina Dimples at Jake Cuenca sa My Father, My Self, isa sa walong entries sa 2022 Metro Manila Film Festival.
READ: Natitirang apat na official entries sa MMFF 2022, inanunsiyo na
Ito ay prinodyus ng 3:16 Media Network at Mentorque Entertainment, sa ilalim ng direksyon ni Direk Joel Lamangan.
Masaya at panay ang papuri ni Dimples sa co-stars na sina Jake Cuenca, Sean de Guzman, at Tiffany Grey.
"I'm super, super happy. I'm happy kasi I got to work with Direk Joel and Jake again and this time nakatrabaho ko na rin si Tiff and Sean.
"I love Jake, para ko na siyang kapatid, so it really makes me happy to see na ang dami niyang work today. Sobrang professional ni Jake, talagang ibibigay ko sa kanya iyan.
"Ang cute-cute ni Sean, ang bait-bait ng batang iyan. Saka tahimik lang iyan sa set pero pagdating ng eksena namin, ready na siya. Mas nauna pa nga siya maging ready kaysa sa akin."
R-18 ang binigay na rating ng MTRCB sa My Father, My Self kung kaya't di ito mapapanood sa SM theaters, kunsaan karaniwang maraming moviegoers.
Gayunman, nirerespeto ni Dimples ang desisyon ng MTRCB.
"Ako naman, that's beyond my work siyempre, and tayo nirerespeto natin all the authorities na siyempre na there's censorship.
"Kagaya naman ng sinabi ng head of our ship na si Direk Joel, we always respect that."
ON PHOTO-OP WITH K-DRAMA STAR SONG JOONG KI
Samantala, marami ang napa "sana all" sa pinost na larawan ni Dimples kasama ang Vincenzo lead actor na si Song Joong Ki sa 50th International Emmy Awards sa New York.
Kilig na kilig namang nagkuwento tungkol dito ang aktres.
"Nakakakilig, di ko kinaya. Ang kinis-kinis, ang bait-bait, ang bango-bango, ano pa ba?
"Alam naman natin na ang original ko ay si Papa B, pero after Papa B si Song Joong Ki," napapangiting saad ni Dimples.
Ang tinukoy niyang "Papa B" ay ang mister niya na si Boyet Ahmee.
Dugtong ni Dimples patungkol kay Song Joong Ki: "Ayoko na, lahat napanood ko sa kanya at sobrang na-in love ako. Alam mo, more importantly mas naging fan ako kasi nakita ko kung gaano siya ka-warm bilang tao.
"Alam mo yun, minsan kasi pag pinapanood mo, artista din ako, inaakala mo yung mga characters nila yun na yun pero hindi. There's so much of him."
Ilan sa mga sikat na K-drama tampok si Song Joong Ki ay ang Descendants of The Sun (2016) at Vincenzo (2021).
Ano ang ginawa ni Dimples sa International Emmy Awards?
Sagot niya, "Nag-judge ako. So ininvite ako to go to New York so bagong miyembro ako ng Academy.
"I'm very, very grateful that they even invited me to become part of the Academy and to represent the Philippines. It's such a big honor."
PROUD MAMA
Bukod sa magandang tinatakbo sa kaniyang showbiz career, masaya at kuntento din si Dimples sa kanyang buhay may-pamilya.
"Proud na proud nga ang Kapamilya actress sa panganay na anak na si Callie na nakapasa sa private pilot's license exam sa isang aviation school sa Australia.
"Okay naman siya, nakakapaglipad na siya, nakakapag-cross country na siya na flight. Ngayon nakakapagsolo flight na siya ng 1.5 hours, sa next week 3.5 hours na siya," masayang kuwento ni Dimples.
Dugtong niya: "I'm super proud. Sinabi ko nga sa iyo, yung awards na sinasabi niyo kanina, hindi ko na ginugusto yun, ibang award ang gusto ko.
"Ang gusto ko na award pag namatay ako, ang pamilya ko ay naging masaya sa mga gusto nilang tahakin. Dahil si Callie nakikita ko na masaya siya, that alone is the best reward."
