PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim Molina, Jerald Napoles win P500K at The Wall Philippines

Kim Molina at Jerald Napoles, bibida sa isang sitcom sa TV5.
by Jojo Gabinete
Published Nov 27, 2022
Kim Molina and Jerald Napoles
Kim Molina at Jerald Napoles, excited na ibahagi sa Kythe Foundation ang portion ng kanilang napalunang cash prize sa The Wall Philippines.
PHOTO/S: The Wall Philippines

Mahigit sa kalahating milyong piso, PHP 549,889 to be exact, ang napanalunan ng real-life couple na sina Kim Molina at Jerald Napoles sa The Wall Philippines.

Base ito sa episode ngayong Linggo ng hapon, November 27, 2022, sa game show na hinu-host ni Billy Crawford at umeere sa GMA-7.

Ang guesting nina Kim at Jerald bilang mga celebrity player sa The Wall Philippines ang unang pagkakataon na nagkasama sila sa isang programa na napapanood sa Kapuso Network kaya galak na galak ang dalawa.

"It’s always fun working with Kuya Billy. He’s a big brother to me and working with him, guesting man or regular taping, doesn’t feel like work at all. Super good vibes lang lagi,” sabi ni Kim sa pakikipag-usap sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Happy si Kim dahil malaki ang halaga ng pera na napanalunan nila ni Jerald, kaya madaragdagan ang kanilang maibabahagi sa Kythe Foundation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang napili nilang beneficiary ay non-profit organization na tumutulong sa mga bata na may mabibigat na karamdaman tulad ng kanser.

KimJe, Kim Molina and Jerald Napoles

KIMJE SITCOM ON TV5

Pero maaaring ang paglabas nina Kim at Jerald sa The Wall Philippines ang una at huling beses na appearance nila sa GMA-7 dahil malapit nang mag-umpisa ang taping ng sitcom ng TV5 na pagbibidahan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung sitcom po namin ni Je, first lead namin sa television sitcom together and we’re super excited about it!" bulalas ni Kim.

Limitado ang detalye na ibinigay ni Kim, pero tiniyak niya na tuloy natuloy na ang programa nila ni Jerald sa Kapatid Network.

"Not sure if puwede ko nang sabihin ang ibang details, but we will start taping very soon!

"We’re happy to be working with all platforms from TV, film, and even through podcast na kasabay ng sitcom namin with our ongoing podcast, ang The Comfort Room on Spotify.

"Aside from artista stuff, lagare na rin kami ni Jerald sa sa aming small business lalo na’t magpa-Pasko na. All is well naman po. Ravan!" dagdag na pahayag ni Kim.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Molina at Jerald Napoles, excited na ibahagi sa Kythe Foundation ang portion ng kanilang napalunang cash prize sa The Wall Philippines.
PHOTO/S: The Wall Philippines
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results