Bea Alonzo wants movie with her girl squad

by Kim Benedict Manalo
Published Nov 28, 2022

Sa kanyang PEP Spotlight interview na lumabas ngayong Nobyembre, ibinahagi ni Bea Alonzo ang ang kuwento sa likod ng isang larawan na kasama sina Dimples Romana, Angel Locsin, Anne Curtis, at Angelica Panganiban.

Ani Bea, "CLAP" daw ang pangalan ng grupo nila, na nung una'y kinabibilangan niya, ni Anne, Angel, at Angelica.

Hango ang pangalan ng grupo nila sa mga unang letra ng kanilang apelyido: Curtis, Locsin, Alonzo, at Panganiban. At ngayon nga ay kasama na nila si Dimples.

Naikuwento tuloy ng aktres ang plano nila noon nina Anne, Angel, at Angelica na mag-produce ng pelikula na magkakasama sila. Looking forward daw sila na matuloy ito, lalo na't kasama pa nila ngayon si Dimples.

Parehong matalik na kaibigan nina Angel at Bea si Dimples.

Naikuwento rin ni Bea kung paano niyang nabuko na buntis si Angelica nung okasyong kinunan ang larawang magkakasama silang lima.

Dahil kilalang-kilala na nila ang isa't isa, nagtaka raw si Bea nang tanggihan ni Angelica ang alok niyang sushi at alak, kaya't napaluha na lang daw siya sa tuwa nang inamin na ni Angelica na buntis siya.

Watch the full Bea Alonzo PEP Spotlight here: https://bit.ly/BeaOnPEPSpotlight

HOT STORIES

#BeaAlonzo #AngelLocsin #AnneCurtis #angelicapanganiban

Re-edit: Khym Manalo
Host: Nikko Tuazon
Editor: Rommel Llanes

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Know the latest in showbiz at http://www.pep.ph

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Watch us on Kumu: pep.ph

NOOD KA MUNA!

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results