Naging bukas si Darren Espanto sa pagsasabing may mga pagkakataong nagkakaroon sila ng misunderstanding ng kanyang mga magulang.
Read: Darren Espanto turns emotional talking about tampo of his parents
Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong November 2022, kinumusta namin si Darren kung naayos na kung anuman ang gusot sa pagitan nila ng parents niya.
Ang ama niyang si Don at ina na si Marinel ay parehong nurse na naninirahan sa Canada.
Si Darren ay nasa Pilipinas dahil sa kanyang showbiz career.
Pahayag ng singer, "I feel that there's always going to be na di kayo mag-a-agree or magtutugma ang gusto niyo ng mga parents niyo.
"But at the end of the day, lahat naman napag-uusapan. At the end of the day, pamilya mo pa rin sila.
"Siyempre our parents are always just looking out for us and they always have the best interest [para sa aming] mga anak nila.
"It's just something you have to take day by day; and my parents and I are always talking about it naman, finding solutions."
Tugma ito sa kuwento ni Darren sa Magandang Buhay noong October 2022.
Naiyak kasi noon si Darren.
Sinabi niyang may mga bagay siyang gustong gawin na hindi tugma sa kagustuhan ng kanyang parents.
Pero paglilinaw rin ni Darren noon, hindi niya gustong bastusin ang mga magulang; at siniguro niyang patuloy na gagawin ang lahat para maging proud sa kanya ang pamilya.
Liban dito ay hindi na nagdetalye si Darren kung anong eksaktong isyu ang pinagmulan ng misunderstanding nila ng kanyang mga magulang.
Balik sa panayam ng PEP.ph, ibinalita ni Darren na uuwi ang ina at nakababatang kapatid para magkakasama sila sa darating na Pasko.
"Yung mom and kapatid ko nandito, pero yung dad ko has to stay there kasi nagbakasyon siya for six months din dito recently. He has to go back to work," ani Darren.
