PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mikee Quintos stranded in South Korea after losing passport

Mikee on lesson: "Napakamaling mawala ng passport."
by Bernie V. Franco
Published Nov 30, 2022
mikee quintos lost passport south korea
Mikee Quintos on missing her flight back to the Philippines after losing her passport: "Pag-akyat ko ng room, nililinis na yung kuwarto at wala na lahat ng gamit ko, so hindi ko na na-check yung passport ko.”
PHOTO/S: YouTube (Mikee)

Ang dapat sana'y masayang trip ni Mikee Quintos sa South Korea ay nabahiran ng hindi magandang karanasan nang mawala ng Kapuso actress ang kanyang passport.

Ang resulta: naiwan si Mikee ng ina pauwi sa Pilipinas, na-miss ang kanyang taping, at kinailangang asikasuhin ang pagkuha ng passport sa Philippine Embassy sa South Korea.

Ipinost ni Mikee ang vlog ng kanyang South Korea trip sa YouTube kahapon, November 29, 2022.

Sa unang bahagi ng video ni Mikee ay kita ang masayang pamamasyal at pag-iikot ni Mikee, kasama ang pamilya at mga kaibigan, sa South Korea.

Binanggit ni Mikee na nangyari ang trip sa Korea bago maganap ang Itaewon tragedy noong katapusan ng October 2022.

Higit kalahati ng video, makikita ang seryosong mukha ni Mikee.

MIKEE GETS LEFT BEHIND AFTER LOSING PASSPORT

“Nawawala ang passport ko. Lumipad na yung plane, naiwan na ako.

“May taping ako bukas 5:30 a.m." paliwanag ni Mikee na halatang mabigat ang loob.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inilahad niya kung paano nawala ang kanyang passport.

“Si Mommy kasi nag-pack ng bags ko dahil pagbalik ko sa room, check out na daw. So, nag-ayos lahat.

“I was so ready to fix my things. Pag-akyat ko ng room, nililinis na yung kuwarto at wala na lahat ng gamit ko, so hindi ko na na-check yung passport ko.”

Kinabukasan, ipinakita ni Mikee na nagtungo siya sa police station. Nagpaiwan din ang apat pang mga kasama ni Mikee para damayan at tulungan siya.

“Yes, I’m still in Korea. Dapat nasa Philippines na ako now, but kakatapos lang namin sa police station.

“Because one of the requirements for getting a new passport in the Philippine embassy is a police report.

“We’re really hoping na makauwi kami soon.”

Sa sumunod na video, makikita si Mikee na nagpa-picture ng ID picture para sa documents.

Nabuhayan nang kaunti si Mikee habang naghihintay silang magkakaibigan sa harap ng Philippine embassy.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi niya, “Mukhang things are looking good. Yesterday nawala ang passport ko at kagabi dapat ako uuwi."

Naghihintay sila sa harap ng Philippine embassy at dala ang lahat ng requirements para mapalitan ang kanyang lost passport.

Ibinahagi ni Mikee ang requirements na kailangan sa pag-asikaso.

“If nawala niyo passport niyo, diretso kayo sa police muna.

“Nagpunta muna kami ng police kasi kailangan ng police report, na kailangan naka-translate in English.

“Ngayon, sa tabi ng Philippine Embassy, may nagta-translate so ipi-print na rin nila iyon for you.

“Doon din kami nagpa-photocopy ng IDs ko, dun din kami nagpa-print ng soft copy ng passport ko na nawala.

“’Tapos kailangan ng four copies ng 2x2 na photo, details ng Korean visa.

“Naayos namin ang pag-book ng ticket dahil kailangan din yung ticket pabalik sa Pilipinas para ma-approve ang kailangang documents [sa Philippine embassy].”

Ilang saglit, nakangiti na si Mikee at sinabing naayos na ang pagkuha ng passport, at makakauwi na siya ng Pilipinas makalipas ang dalawang araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa dulo ng video, sinabi ni Mikee ang kahalagahan ng pag-iingat ng passport.

“I hope nakita niyo na napakamaling mawala ng passport, so don’t make the same mistake,” paalala ng aktres.

Inisip na lang daw ni Mikee na “blessing in disguise” ang nangyari para matuto at ipagpasa-Diyos ang pangyayari.

“Kapag hindi niyo naiintindihan at nai-stress kayo sa kung anong nangyayari sa buhay niyo, itiwala niyo na si God may plan and Siya pa rin ang boss."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mikee Quintos on missing her flight back to the Philippines after losing her passport: "Pag-akyat ko ng room, nililinis na yung kuwarto at wala na lahat ng gamit ko, so hindi ko na na-check yung passport ko.”
PHOTO/S: YouTube (Mikee)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results