Hanggang ngayon ay tila hindi pa rin maka-move on ang netizens sa viral na sagot ng Kapuso actor na si Mavy Legaspi sa Family Feud.
Nitong Lunes, November 28, 2022, ibinahagi ng aktor sa Twitter ang kanyang funny encounter sa isang netizen habang siya ay nasa isang mall.
Hindi kasi sukat akalain ni Mavy na maitatanong muli sa kanya ang survey question na kanyang sinagot sa GMA-7 game show.
Tweet ni Mavy (published as is), "Was walking around the mall and then someone said…
“MAVY, 1+1?" [cry emoji]."
November 23, 2022 nang mag-viral sa Twitter ang sagot ni Mavy bilang celebrity player sa Family Feud, kung saan host si Dingdong Dantes.
Read: Luis Manzano fondly teases Mavy Legaspi's "hotdog" answer in Family Feud
Sa jackpot round, sumalang si Mavy at sinagot ang mga tanong ni Dingdong
“Kapag nagbibiruan, anong kalokohan ang isinasagot ng friend mo kapag tinanong mo siya ng, ‘one plus one [1+1]," unang tanong ni Dingdong.
Sagot ng anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi: "Hotdog."
Naging usap-usapan ito sa socia media, at ayon sa mga netizens, dito raw makikita ang "generation gap."
"Hotdog" o "hakdog" kasi ang karaniwang isinasagot ng kabataan ngayon kapag hindi nila alam ang sagot sa tanong.
Samantala, para naman sa older generation, ang karaniwang sagot sa naturang tanong, base na rin sa lumabas na survey, ay "Magellan."
Sa comments section ng post ni Mavy, marami pa rin sa kanyang mga fans ang aminado na hanggang ngayon ay aliw na aliw sila sa kanyang viral "hotdog" answer.




