PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Arjo Atayde finally introduces Maine Mendoza to his Lola Rose

Meet the family!
by Khryzztine Joy Baylon
Published Dec 1, 2022
Arjo Atayde and fiancée Maine Mendoza
Maine Medoza finally meet Arjo Atayde’s maternal grandmother, Lola Rose, as well as his Aunt Janice and Uncle Kenneth.
PHOTO/S: Sylvia Sanchez Instagram

Labis ang saya at pasasalamat ni Sylvia Sanchez sa kanyang anak na si Arjo Atayde na sa wakas ay naipakilala na ng aktor ang fiancée na si Maine Mendoza sa kanyang Lola Rose.

Sa Instagram nitong Linggo, November 30, 2022, ibinahagi ni Sylvia ang masayang pagkikita para sa “special dinner” ng kanyang ina, kapatid, at ng kanyang soon-to-be manugang na si Maine.

Mababasa sa caption ni Sylvia (published as is), “Maraming salamat mga anak Arjo at Maine kahit napakabusy niyo parehong dalawa. Naglaan kayo pareho ng oras para ipakilala mo Arjo si Maine kay Tita Janice, Tito Kenneth at kay Lola Rose mo.

“Napakasaya ng puso ko [heart emoji] Salamat mga anak. Truly appreciated!!!”

Dagdagpa niya, “Love u both.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Agad naman itong nireplayan ng Eat Bulaga! host ng emoji na tatlong pulang puso.

Maine Mendoza Arjo Atayde

MAINE AND ARJO'S RELATIONSHIP

Unang nagkatrabaho sina Maine at Arjo sa Metro Manila Film Festival 2018 entry na Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

Gumanap na isa sa mga bidang pulis si Maine, habang kontrabida naman ang papel ni Arjo na bahagi ng isang sindikato sa kuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito rin simulang mapansin ng kanilang mga fans ang special closeness nila.

Noong August 2018, namataan si Arjo na sumuporta sa isang event para sa brand na ineendorso ni Maine.

Hanggang sa noong October 2018, lumabas ang PEP Scoop kung saan naispatan na magka-date sina Maine at Arjo sa isang restaurant sa Makati.

Read: Kapuso star Maine Mendoza, Kapamilya actor Arjo Atayde spotted at Makati resto

Naging opisyal silang magkasintahan noong December 21, 2018.

July 29, 2022, sinorpresa ni Maine ang kanyang Instagram followers sa anunsiyo na engaged na sila ng nobyong si Arjo, matapos ang tatlong taon at pitong buwan nilang magkasintahan.

Read: Maine Mendoza and Arjo Atayde are engaged

Nito lamang November 5, 2022, ay magkasama silang lumipad patungong Paris, France para ipagdiwang ang ika-32 kaarawan ni Arjo.

Read: Arjo Atayde celebrates his birthday with fiancée Maine Mendoza in Paris

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maine Medoza finally meet Arjo Atayde’s maternal grandmother, Lola Rose, as well as his Aunt Janice and Uncle Kenneth.
PHOTO/S: Sylvia Sanchez Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results