Tiwala sa sarili at puspusang training ang naging susi sa tagumpay ni Juliana Gomez sa katatapos lamang na Air Force Open Fencing Championship sa Bangkok, Thailand.
Nag-champion sa kanyang laban si Juliana noong November 26, 2022.
Read: Richard Gomez proud of daughter Juliana's victory at Thai fencing tilt
Ayon sa ulat ng Balitanghali ngayong araw, December 1, 2022, panimula pa lamang ito sa kanyang marami pang labang tatahakin sa fencing.

Saad ng anak nina Leyte 4th District Congressman Richard Gomez at Ormoc City Mayor Lucy Torres, “Siguro dahil may tiwala ako sa skill ko dahil nagti-training naman ako araw-araw.
“Tapos confident ako sa mga galaw ko noong araw na iyon. I was just lucky that I was able to win. But this is just the start and I have more to work on to myself.”
Ayon pa sa 21-year-old fencer, hindi naging madali sa kanya ang pag-eensayo dahil isinasabay niya ito sa pag-aaral.
Sa kabilang banda, hindi naman daw siya nakaramdam ng pressure mula sa amang si Richard kahit ito pa ang pinuno ng Philippine Fencing Association.
"He doesn't pressure me. I just got a tremendous amount of support from my parents.”
Malaki rin daw ang tulong ng boyfriend niyang fencer din na si Miggy Bautista.
Tumatayo raw kasi itong coach niya kung wala ang kanyang trainer.
May payo rin si Juliana sa mga nais pasukin ang fencing: “I think it's just important to trust in the work that you're putting in and to not give up. I think that hard work actually works.”
Proud na proud namang ibinalita ni Richard ang pagkapanalo ng unica hija sa Thailand noong huling linggo ng Nobyembre.
Sabi pa ni Richard sa kanyang Instagram post, "Congratulations @gomezjuliana for winning the Thailand Open Fencing Championship today.
"May you keep on winning and bring more honor to the country."
View this post on Instagram
