Pumanaw na ang tinaguriang Queen of Kundiman at First Lady of Philippine Television na si Sylvia La Torre.
Kinumpirma ng apo ni Sylvia, ang U.S.-based Filipino-American singer-actress na si Anna Maria Perez de Tagle, ang pagpanaw ng legendary singer-actress sa California nitong Huwebes, December 1, 2022.
Siya ay 89.
Pahayag ni Anna Maria: “RIP to my grandmother, Ms. Sylvia La Torre Perez de Tagle.
"First Lady of Philippine Television, Queen of Kundiman and Tandang Sora Awardee, devoted wife of Dr. Celso Perez de Tagle, loving mother, grandmother and great-grandmother, caring auntie, and affectionate friend, died peacefully in her sleep on December 1st at 7:02 am.
"At the time of her death, she was with her husband of 68 years and her children, Artie, Bernie and Che-Che.
“My grandmother was my first inspiration when it came to singing and acting. She was my first vocal coach and taught me all of her kundimans. Thank you for passing on your love of music to me and I will surely continue your legacy.
"Gone too soon but always in our hearts. Your song has ended but your melody will linger on. Love you Mama Cita.”
Ang "Sa Kabukiran," "Galawgaw," at "Waray Waray" ang ilan sa mga hindi malilimutang mga awit na pinasikat ni Sylvia noong dekada '50.
Si Sylvia rin ang umawit ng walang kamatayang kanta na "Maalaala Mo Kaya."
Coloratura soprano — isang klase ng operatic soprano voice na eksperto sa musika na nakikilala sa pamamagitan ng agile runs at leaps attrills — ang kategorya ng crystal clear singing voice ni Sylvia.

Sylvia La Torres with husband Dr. Celso Perez de Tagle
Si Sylvia ay anak ng aktres na Leonora Reyes at ng Sampaguita Pictures director na si Olive La Torre.
Limang taong gulang si Sylvia nang sumali at manalo siya sa isang singing competition sa Maynila.
Pitong taon naman ang edad niya nang mag-umpisa ang kanyang acting career nang lumabas siya sa Ang Maestra, ang 1941 movie ng Sampaguita Pictures.
Dahil likas ang hilig sa musika, nagtapos si Sylvia ng Music major in Voice and Minor in Piano sa Conservatory of Music ng University of Sto. Tomas.
Ang Tang Tarang Tang at ang Oras ng Ligaya ang dalawa sa mga popular na TV shows ni Sylvia noong aktibo pa siya sa showbiz.

Ang pelikulang Biyudo si Daddy, Biyuda si Mommy, na pinagbidahan nina Vic Sotto at Coney Reyes noong 1997, ang huling proyekto ni Sylvia.
Pinili niyang mamuhay sa Amerika kasama ang kanyang buong pamilya.