Sinagot ni Tom Rodriguez ang mga kumakalat na espekulasyon tungkol sa kanyang sekswalidad.
Nag-ugat ang mga haka-hakang "bading" umano si Tom matapos nilang maghiwalay ng kanyang asawang si Carla Abellana.
Sa panayam ni Tom sa YouTube vlog ni Ogie Diaz, diretsahan sinagot ng aktor ang mga paratang patungkol sa kanyang sexual preference.
"Bading ba si Tom?" tanong ni Ogie.
"No," mabilis na sagot ni Tom.
Ayon pa sa Kapuso actor, hindi siya naaapektuhan kung tinatawag siyang bakla, dahil marami siyang kilalang miyembro ng LGBTQ+ community na maituturing niyang "best people."
Saad niya, “If that’s the worst that someone can call me, that’s not an insult to me.
"A lot of the best people... most of the best people I know happen to be of that persuasion. Happen to be gay. Best people I've known.
"So, kung ayun lang inaano, hindi insulto para sa akin yun."
Makailang beses na raw narinig ni Tom ang mga paratang tungkol sa kanyang kasarian, at ilang beses man daw niyang sagutin ito ay may mga taong hindi pa rin naniniwala sa kanya.
Aniya, "So, anyway, I don't mind hearing it.
"Its not the truth but it doesn't bother me.
"So, no, ganun lang kasimple.
"But it's up to them if they're gonna believe it or not.
"Personally, sorry, I don't care. I don't care if they believe me or not."
Sinabi rin ni Tom na wala siyang ibang naging babae noong sila pa ni Carla.
Taliwas ito sa naging pahayag ng ama ni Carla na si Rey "PJ" Abellana noong March 11, 2022 na nagkaroon umano ng one-night stand si Tom na siyang dahilan ng pagkakahiwalay nila ng kanyang misis.
"IT'S STILL HEALING"
Kinumusta rin ni Ogie ang kalagayan ng puso ngayon ni Tom, makalipas ang ilang buwan mula nang magpa-file siya ng divorce para mapawalang bisa ang kasal nila ni Carla.
Saad niya, "It's up in the air pa rin. Siguro it's still healing.
"It's on the process. Hindi naman madali yun, e.
"It's gonna be tricky to navigate.
"It's gonna take a long time but it's underway."
Mahal pa ba niya si Carla?
Mabilis na sagot ni Tom, "Of course, hindi naman agad-agad mawawala yun.
"But like I said, it will transform into other things.
"Siguro the love may never disappear but it will change, it will develop.
"It will grow in its own way, whether together apart, it will grow on its own way."
"I'M REGRETTING THE PAST"
Aminado si Tom na hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin siyang nasasaktan at nanghihinayang sa nabuo nilang relasyon ni Carla na nauwi lamang sa hiwalayan.
Pagbabahagi niya, "Siyempre ang daming panghihinayang.
"All the years that you've been together, all the dreams that you had and built together.
"Pero like what I said, if it's not meant to be, what can you do?
"There are more moments that I'm living.
"There are more moments that I'm regretting the past."
Dagdag pa niya, "All I can do is learn from it and move forward."
THE BREAKUP
January 2022, nagulat ang marami nang mapabalitang hiwalay na sina Tom at Carla matapos lamang ang tatlong buwan mula nang ikasal sila noong October 2021.
Read: Tom Rodriguez at Carla Abellana, hiwalay na tatlong buwan lamang pagkatapos ikasal?
March 11, 2022, nang magtungo si Tom sa U.S para mamalagi at makapiling ang kanyang pamilya.
Read: Tom Rodriguez getting on well and happy in the U.S. months after broken marriage
Noong June 15, 2022, nagsalita sa kauna-unahang pagkakataon si Carla tungkol sa dahilan ng kanilang paghihiwalay.
Dito rin niya binitawan ang ilang makahulugang pahayag na "I was disrespected. I was betrayed. I was lied to. I was used. I was shamed. I was made to look so stupid."
Hanggang noong June 17, 2022, ibinunyag ni Tom na diborsiyado na siya kay Carla. Isang U.S citizen si Tom kaya maaari siyang mag-file ng divorce.
Read: Tom Rodriguez finally speaks up on split with Carla Abellana; reveals he is already divorced
November 11, 2022, sa panayam ni Nelson Canlas kay Carla na umere sa 24 Oras, inamin ng aktres na hindi pa rin nagsi-sink in sa kanya ang salitang "divorce" kahit na sinabi ng estranged husband niyang "divorced" na sila.
Read: Carla Abellana on "divorce" from husband Tom Rodriguez: “Hindi pa siya fully nagsi-sink in.”
