Ang breakup ni Maxene Magalona sa asawang si Robby Mananquil ang isa sa mga naging topics nang itampok ang 36-year-old actress sa YouTube vlog ni Toni Gonzaga.
In-upload ang nasabing vlog nitong Biyernes, December 2, 2022.
Tinanong ni Toni si Maxene kung kailan niya nalaman na, “This is the end.”
Sagot ni Maxene, “I had that moment where I just… parang naisip ko enough is enough.
“I didn’t feel like I was myself anymore, and I could also see him experiencing that, na parang both of us are struggling na.
“So I was the one who decided na parang, ‘Okay, parang hindi na talaga match,’ and nasabi ko naman lahat iyon sa kanya at naiintindihan niya.
“It was more of a mutual decision, really, that’s why I encourage people to heal before they get married or before they have kids, para hindi natin ito mapasa unconsciously to our kids and to the people around us.”
Binanggit ni Maxene na binigay niya lahat sa kanilang marriage kaya wala siyang pagsisisi kung hindi man ito nagtagal.
Nagsimula ang breakup rumors early this year, matapos i-unfollow ni Maxene si Robby sa Instagram, at bumiyahe ito mag-isa sa Boracay.
January 2, 2022 nung nag-post si Maxene ng, "What you allow is what will continue," sa kanyang Instagram Stories.
January 11 ang fourth wedding anniversary ng dalawa, at nag-post ng throwback photos si Maxene kasama ang pasasalamat sa inang si Pia Magalona at mother-in-law na si Millet Mananquil, associate editor at lifestyle editor ng The Philippine Star.
Nito lang Oktubre kinumpirma ni Maxene ang hiwalayan nila ni Robby. Kung isasama pati ang panahong nagdi-date sila, halos seven year ang itinagal ng kanilang relasyon.
Sa vlog, inusisa ni Toni si Maxene kung nag-i-entertain na siya ng suitors.
Sagot niya, “I will be honest that I have been speaking and forming connections and I want to really connect.
“I don’t want let pain stop me from living my life the way I want to.”
